^

PSN Opinyon

Magandang lady lawyer, tinarayan ng isang pari sa Manaog Church

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang tinarayan ng isang kilalang pari ang isang magandang laywer nang magpa-bless ng bagong sasakyan sa Manaoag Church, Pangasinan?

Ayon sa aking bubuwit 2 days na lang at Pasko na.

Happy birthday muna kay Mr. Cesar Lee, Presidente ng Toyota Alabang; dating Sen. Nikki Coseteng, Al Mendoza ng Inquirer; dating Sec. Sonny Escudero, Bro. Al Obsum ng Kagitingan Lodge at Dansel ‘‘Preggy’’ Palma ng Honda.
* * *
Alam n’yo bang meron palang paring mataray sa Manaoag Chuch sa Pangasinan?

Ayon sa aking bubuwit, galit na galit ang isang magandang lawyer nang magtungo sa Our Lady of Manaoag Chuch sapagkat siya ay tinarayan ng isang matabang pari.

Noong December 12, 2003, ang lawyer mula sa Metro Manila ay nagtungo sa Manaoag Church upang ipa-bless sana ang kanyang brand new car, isang itim na Honda Civic.

Siyempre, upang maging masuwerte at malayo sa disgrasya, ang lawyer ay nagmaneho patungong Manaoag church para pa-bendisyunan ang kanyang kotse.

Ayon sa aking bubuwit, dahil sa layo ng biyahe at trapik, pasado alas-sais na ng gabi nang dumating sa simbahan ang lady lawyer.

Dito ay natuwa naman siya dahil inabutan niya roon ang isang kilalang pari para mapabendisyunan ang kanyang kotse.

Inabutan niya ang pari na nagbibigay ng instruction kung ano ang gagawin ng kanyang mga staff pagdating ng grupo nina actress Judy Ann Santos.

Lumapit kaagad ang lawyer kay Father at kinausap para pabendisyunan ang bagong Honda Civic.

Nagulat ang lady lawyer nang sumagot ang matabang pari. Nagalit at tinarayan ang lawyer. Hindi raw ba niya alam na ang oras ng pagpapa-bless ay hanggang 4:00 p.m? Aba, mataray ang bruha!
* * *
Ayon sa aking bubuwit, dahil nagalit ang pari, nagpakumbaba pa rin ang lady lawyer at nakiusap na baka naman puwede siyang pagbigyan kasi bumiyahe pa siya ng malayo.

Pero talagang matigas ang pari, kahit na sa tabi na niya ang ginamit na holy water sa katatapos na misa ay hindi pa rin binendisyunan ang kotse ng lawyer. Sori ka na lang atorni.

Ayon sa aking bubuwit, ang paring mataray ay dating parish priest sa isang malaking simbahan sa Quezon City.

Siya ay itinapon sa probinsiya dahil nasangkot sa anomalya sa pera. Siya ay kaaway nina Bishop Socrates Villegas at Msgr. Nico Bautista.

Siya ay walang iba kundi si Fr. R. as in Rest in Peace.

AL MENDOZA

AL OBSUM

AYON

BISHOP SOCRATES VILLEGAS

HONDA CIVIC

ISANG

LAWYER

MANAOAG CHURCH

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with