Movie industry tigok na !
December 21, 2003 | 12:00am
PATAY na ang movie industry sa Pilipinas. Ito ang pahayag mismo ng maraming taga-pelikula. Sa pagbagsak ng ekonomiya ng bansa ay kasabay ding nangulimlim ang dating progresibong movie production.
Mga low-budgeted films ang pinoprodyus ngayon at karamihan ay bold films. Hindi na kailangang kumuha ng producer ng magandang istorya, mahusay na scriptwriter at direktor at kahit sinong babae na handang maghubot hubad ay puwede nang maging star overnight. Siyempre, mura lang ang singil nilang talent fees. Mas kumiita ang mas garapal na sex film na tumatabo lalo na sa mga probinsiya.
Isa pang malaking dahilan ay ang film piracy. Anumang higpit ng Videogram Regulatory Board ay tuloy pa rin ang pamimirata. Nasa film laboratory pa lang ay may katiwalian nang nangyayari. Sa halip na kumita ang pelikula na ipinalalabas sa mga sinehan ay wala nang manonood dahil meron nang mga pekeng VCD na nabibili sa bangketa. Isang kaibigang film producer ang naghihinagpis na hindi pa man ipinalalabas sa mga sinehan ang pelikulang pinaghirapan ay may mga VCD na itong ibinebenta sa Quiapo.
Ilang movie aficionados ang nagsabi na kapag may Metro Manila Film Festival lang muling sumisigla ang local film industry. Karamihan sa mga isinasali sa film fest ay hindi naman quality pictures. Basta magawa at matapos ay okey na. Sa mga pelikulang pinalalabas ngayon ay wala na ang kalidad, ganda at sining gaya ng mga "obra" nila Gerry de Leon, Bert Avellana, Lino Brocka at iba pang henyo sa pelikulang Pilipino.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended