Strike one sa jueteng totoo ba?
December 20, 2003 | 12:00am
NAGPALABAS ng bagong policy si PNP bossing Jun Ebdane para warningan ang kanyang mga kabig tungkol sa operasyon ng dayaan bolahan sa bansa.
Pinaiiral ngayon sa kapulisan ang one strike policy ni Jun.
Sibak sa puwesto ang mahuhuling Provincial Directors, Provincial Commanders at mga Station Commanders na may alagang gambling lords sa kanilang mga hurisdiksyon.
May basbas si Prez Gloria sa mungkahi ni Jun.
Sana hindi maging ningas cogon ang operasyon ng PNP tungkol sa isyu ng jueteng.
Baka pataas tara lang ito?
Alam naman nating mula Region 1 hanggang Region 5 talamak ang dayaan bolahan.
Kaya nga nag-aaway-away ang ilang rakpadudels na huwag maalis sa kanilang mga puwesto dahil sa tindi ng intelihensiya sa dayaan bolahan.
Ano kaya ang masasabi ng mga gambling lords dito matapos silang kunan ng chapit ay sarado sila?
Puwede naman ang kangaroo style sa operasyon ng dayaan bolahan.
Ang pinagtatakhan ng mga kuwago ng ORA MISMO, bakit ngayon lang umaksyon ang general headquarters tungkol sa isyung ito.
Ano ba ang malalim na dahilan?
Mag-eeleksyon pa naman, maraming bugok na pulitika ang mawawalan ng pitsa sa nangyari.
Kaya kasing magpanalo o manalo ang mga gambling lords na papasok sa politics.
Ingunguso lang nila kung sino ang kabayo nila at presto, may malaking botong makukuha ito.
Sa dami ba naman ng mga nakikinabang sa dayaan bolahan.
Sa kaharian ni Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn naniniwala ang mga kuwago ng ORA MISMO, na jueteng free.
Pero sa ibang probinsiya duda tayo na mawawala ang dayaan bolahan.
Kapag ang LGUs at kapulisan ay hindi pumayag sa dayaan bolahan tiyak ng mga kuwago ng ORA MISMO na walang mangyayaring milagro sa kanilang lugar.
"Ano ang ibibigay ng gobyerno na trabaho sa mga kubrador ng dayaan bolahan oras na pinatigil ito?" tanong ng kuwagong botante.
"Baka tumaas ang crime rate kapag walang nakain ang mga kamote," sagot ng kuwagong Kotong cop.
"Bahala sila sa gusto nilang mangyari, may mga isip na sila."
"Mas maganda siguro kung gawin ng gobyerno na maging legal ang dayaan bolahan," tanong ng kuwagong sepulturero.
"Bakit naman?" tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Para mawala ang corruption sa gobyerno."
"Hindi siguro puwedeng gawing legal ito."
"Bakit?"
"Marami kasing nakikinabang dito."
"Korek ka dyan, kamote."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended