^

PSN Opinyon

'Trahedya sa gitna ng pag-ibig"

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
Part I
NAKIUSAP sa akin ang mga magulang ng biktima na kung maaari ngayong Pasko ay mailathala ang istorya ng dalawang magkasintahan.

Sa Biblia, makikita ang ‘love chapter.’ Ito ay matatagpuan sa Corinthians 1 Chapter 13 na nagsasalarawan kung anu-ano ang mga bagay na maaaring isakripisyo ng isang tao dahil sa pag-ibig.

Subalit, anumang bagay na sobra ay masama. At ang sobrang pag-ibig, ay ang pag-ibig na ‘obsessed’ na mapanganib. Karaniwan ay nawawala sa sarili ang taong labis na umiibig at gagawa ng paraan upang mapasakanya ang kanyang tinutuunan ng pansin. At kung hindi niya makamtam ito, kadalasan, sinisiguro niyang walang makikinabang dito sa taong ito.

Ganito ang nangyari sa kasong tampok natin ngayon. Pumutok ang balitang ito dahil ang mga biktima at suspek ay mula prominenteng pamilya. Ito ay naganap noong Abril 1992. Mahigit isang dekada na rin ang nakaraan nang maganap ang krimen ito.

Ang mga biktima ay ang magkasintahan na sina Leilani "Lani" Litam at Ferdinand "Ferdie" Jarcia, kapwa graduating students ng medicine at nag-aantay na lamang na kumuha ng board exams. Ang suspek ay kapwa nila kamag-aral sa Perpetual Help Medical School sa Biñan, Laguna, na si Joselito "Lito" Lumbera.

Sina Ferdinand o Ferdie para sa malalapit sa kanya at Leilani o Lani ay bagay na bagay sa isa’t isa. Napakaganda ni Lani at ito ang dahilan na nawala sa sarili si Lito Lumbera nang hindi niya ito mapasagot. Si Ferdie naman ay hindi magpapahuli. Maayos magdamit, malinis tingnan, makisig at matalino. Ito ang katangian na naglapit sa magkasintahan.

Ang tatlong tauhan sa trahedyang ito ay nag-iinternship sa Perpetual Help College sa Biñan. Lahat sila ay nagdo-dorm at tuwing weekend lamang umuuwi.

Kung ating iisipin, walang puwang ang pag-ibig para sa isang taong seryosong nag-aaral ng medicine. Bukod sa mahirap na kurso, hectic ang schedule ng isang med-student. Pero gaya ng sabi, ang puso kapag tumibok, gagawa at gagawa ng paraan masunod lamang ito.

Alam ni Lito Lumbera na may nobyo na si Lani. Sadyang napakakulit lamang ni Lito at ayaw tumigil ng kahahabol kay Lani. Okay lang naman ito kay Ferdie dahil may tiwala naman siya sa kanyang kasintahan at sigurado sa sarili.

Noong 1992, sina Mr. Mrs. Litam ay galak na galak dahil nabibilang na ang araw nang pagtatapos ni Lani.

"Unang doktor namin sa pamilya. Talagang napakasipag at napakabait ni Lani," banggit ni Mr. Litam.

Si Angel (Lani) ang tawag sa kanyan ng kanyang ian na si Mrs. Litam ay masyadong malihim. Mabait na anak at kapatid. Wala siyang ginagawa kundi mag-aral at sa aking alam, akala ko wala siyang nobyo. Kung mayroon man silang pagkakaunawaan ni Ferdie ay hindi naman kami tutol, salaysay ni Mrs. Litam.

Inamin sa akin noon ng mag-asawa na walang nababanggit sa kanila si Lani tungkol kay Lito Lumbera. Nalaman lamang niya na ginugulo pala si Lani ni Lito matapos ang madugong insidente noong ika-4 ng Abril.

Kung susuriin, talagang napakasakit ng buong pangyayari. Matatapos na noon ang pasukan, si Lani ay kumakain kasama ng iba pa niyang mga ka-klase mga bandang 11:30 ng tanghali. Last examination na niya noong hapong iyon. Subalit ipinagkait pa rin sa kanya ang kapalaran ang matapos niya ang kanyang kurso at maging isang ganap na doktor.

Bago noong araw na ‘yun, nagkaroon ng kasunduan sina Ferdie at Lani na huwag munang magkita at mag-usap dahil pareho nga silang mag-re-review para sa kanilang final exams. Nakarating ang balita kay Lito na hindi nagkikita sina Lani at Ferdie at ang buong akala niya ay wala na sila kaya pwede na siyang umentra. At ito ay kanyang ginawa. Sinubukan niyang sundan si Lani sa lahat ng lugar na pinupuntahan nito. Pinapadalahan niya ng kung anu-anong regalo gaya ng chocolates, cards at mga bulaklak.

Binabale-wala lamang ito ni Lani dahil minsan, nagtapat siya kay Lito na wala talaga siyang maasahan sa kanyang panliligaw dahil may nobyo na siya.

"Boyfriend pa lang pala. Hindi pa naman sila kasal," ang mariing sagot ni Lito sa kanyang sarili.

Abangan sa Lunes ang mga susunod na pangyayari mula pa rin sa crime classic files ng inyong lingkod dito lang sa CALVENTO FILES sa PS.

Para sa anumang reaksyon maaari kayong mag-text sa 09179904918. Maaari din kayong tumawag sa 7788442.

vuukle comment

ABRIL

DAHIL

FERDIE

LANI

LITO

LITO LUMBERA

MRS. LITAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with