Pamumulitika ni Maganto habang aktibo pa
December 17, 2003 | 12:00am
KAMAKAILAN napanood si Chief Superintendent Romeo Maganto sa entablado kasama ang ilang mga kakandidato ng isang partido.
Nakataas ang kanilang mga kamay habang iniindorso ang isat isa mula sa pagka-presidente hanggang sa mga pagka-senador.
Sa parte ni Maganto bilang isang aktibong pulis tahasan nitong nilabag ang pagiging "non-partisan" sa pulitika.
Sa panayam na ginawa ng aking radio program "BAHALA SI TULFO" sa DZME kay Colonel Joel Goltiao, opisyal ng tagapagsalita ng PNP, nahaharap sa kasong administratibo si Maganto.
Ayon kay Goltiao, "strictly speaking may nilabag si General Maganto because he still with the active service, unless nag-file na siya ng retirement. Otherwise masasampahan ito ng kasong administratibo."
Dagdag pa ni Goltiao, maging si PNP chief Director General Hermogenes Ebdane Jr, ang nag-utos, imbestigahan ang ginawang hakbang ni Maganto.
Hindi aniya maaaring idahilan nito ang kanyang pagiging "floating status" sa kasalukuyan. Kayat naging adelantado ito at sumabak sa ganitong kaagang panahon sa kanyang ambisyon.
Dagdag pa ni Goltiao, hindi raw maaaring idahilan ni Maganto ang kanyang pagretiro sa susunod na taon para sumabak na ngayon sa maagang pamumulitika.
Matatandaan na si Maganto ay isa sa nag-iingay na "non-PMAier" na opisyal ng PNP sa ipinatupad na "revamp" ni General Ebdane.
Sa iba pang opisyal ng pulisya tulad ni Maganto na nag-aambisyon na pasukin ang larangan ng pulitika, lumabas na kayo sa serbisyo!
Paghandan niyo na ang inyong mga panaginip at pangarap na maging "traditional politician" o TRAPO.
Huwag kayong "maglagareng-hapon." Na pinagsasabay-sabay nyo ang pamumulitika habang kayo ay aktibo pa sa serbisyo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended