^

PSN Opinyon

Grabeng trapik

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
Nakapupundi na ang trapik sa Metro Manila. Kahit gabing-gabi na ay punung-puno pa rin ang mga lansangan.

Naging grabe ang trapiko nang pumasok ang Disyembre dahil sa Christmas shopping sa mga malls at iba’t ibang mga commercial centers. Kahit na sa kaloob-loobang lugar ay siksikan ang mga sasakyan.

Dahil dito nasisira ang imahen ni MMDA chairman Bayani Fernando na nang unang naupo ay nagpamalas ng galing sa pagpapatupad ng mga paraan upang maging maayos ang trapiko.

Isa sa hindi ko malilimutang karanasan ang nangyari sa amin nitong nakaraang Sabado nang maipit kami sa trapiko mula sa toll gate sa coastal road patungong Bacoor, Cavite. Dati-rati ay nakukuha namin ito ng 10 minuto subalit naging dalawang oras. Pakiramdam ko ay parang nasa-impiyerno kami lalo na’t mayroon kaming dadaluhang mahalagang pagtitipon.

Kasumpa-sumpa ang buhol-buhol na trapik. Para ko tuloy narinig sa ilang balikbayan na kasama namin sa sasakyan na bumubulong ng: ‘‘Walang ganito sa States.’’

BACOOR

BAYANI FERNANDO

CAVITE

DAHIL

DATI

DISYEMBRE

ISA

KAHIT

KASUMPA

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with