^

PSN Opinyon

Pagbabanta't pananakot ng simbahan

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
NAG-UUMPISA na naman ang pakikialam ng ating Simbahang Katoliko. Nagbabanta na, nananakot pa.

Sila raw mismo ang mangangampanya na huwag iboto ang mga mambabatas na susuporta sa pagpasa ng birth control bill.

Ang babalang ito ay binigyan diin ni Archibishop Paciano Aniceto chair ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP), committee on life and family.

Mag-isip daw muna ng maigi ang mga mambabatas na sumusulong at pumapabor sa birth control. Dahil gagantihan nila ang mga nasabing mambabatas sa kanilang kandidatura ngayong darating na eleksiyon.

Ganun lang kadali manghimasok ang ating simbahan sa larangan ng pulitika. Kapag hindi sang-ayon o salungat sa kanilang paniniwala, idadaan na lang sa ‘‘pagbabanta at pananakot.’’

Kahit sino ay nababahala sa mabilis na patuloy na pagtaas ng bilang ng populasyon ng ating bansa.

Alam ng ating simbahan na habang lumalaki ang ating populasyon nahihirapan ang ating pamahalaan sa patuloy na lumalaking gastos sa edukasyon pa lang.

Sumasabay naman ang pagtaas ng bilang ng mga nagugutom ng mga kababayan nating mahihirap. Kung sino pa yung mga nagugutom sila ’yung mabilis na magdami.

Ang problema sa ating simbahan madali para sa kanila ang pumuna at magsalita lamang.

Hindi naman sila pinakikinggan ng mga mahihirap nating mga kababayan na nangangailangan ng kanilang gabay kung solusyon ang pag-uusapan.

Hindi rin epektibo ang itinuturong ‘‘pamamaraan’’ ng simbahan kung meron man upang huwag nang lumaki ang nakakabahalang bilang ng ating populasyon.

Ang hubo’t hubad na katotohanan, ang simbahan natin ay kabahagi sa problema hindi sa solusyon kung populasyon ng pag-uusapan.

ALAM

ARCHIBISHOP PACIANO ANICETO

ATING

CATHOLIC BISHOP CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

DAHIL

GANUN

KAHIT

KAPAG

SIMBAHANG KATOLIKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with