^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bawal maglimos ngayong Pasko

-
MAHIGPIT ang utos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na huwag maglilimos sa mga batang kalye. Bawal ito lalo na ngayong Pasko. Karamihan sa mga bata ay kumakatok sa bintana ng mga kotse kapag naka-trapik. Ang ibang mga bata ay umaakyat sa mga bus o dyipni at doon nagpapalimos. Mayroong mangangaroling at ang iba naman ay pupunasan kunwari ang sapatos ng mga pasahero at ilalahad na ang kanilang kamay "ate, kuya, pahingi naman, di pa ako kumakain ng tanghalian," karaniwang sinasabi ng mga bata na karamihan ay mga lalaki na may edad lima hanggang 10. Marami naman ang maaawa at magbibigay. Kapag natanggap na ng bata ang pera ay mabilis na lulundag sa dyipni. Kaunting pagkakamali sa pagbagsak at siguradong basag ang bungo. Para sa mga batang kalye, hindi nila alam ang kahulugan ng aksidente. Mas alam nila ang rebolusyon ng kanilang bituka kaya kailangang kumita.

Ngayong Pasko ay inaasahan na naman ang ganitong tanawin. Kahit na taun-taon ay ipaalala ng DSWD na huwag lilimusan ang mga batang kalye, hindi basta maaaring mangyari. Marami pa ring Pinoy ang hindi makawala sa nakagisnang tradisyon na magbigay. Kahit kaunti ay magbibigay lalo pa nga ngayong ipagdiriwang ang Pasko. Nakaugalian na kaya mahirap baguhin.

Sa Maynila na yata ang may pinaka-maraming namamalimos na bata. Isang halimbawa ay sa may kanto ng Blumentritt at A. Bonifacio St. malapit sa North Cemetery. Mga batang wala pang limang taong gulang ang kakalat-kalat sa kalye at mga nakalahad ang kamay at nagmamakaawa. Mayroong pupunta sa gitna ng kalye para harangin ang mga nagdaraang sasakyan. Malaking panganib para sa kanila na masagasaan ng mga dumarating na sasakyan. Sa di-kalayuan naman ay makikita ang ina o lola marahil ng mga bata na kukuya-kuyakoy at naghihintay sa napalimusan ng mga bata.

Marami ring mga batang kalye sa kanto ng Doroteo Jose St. at Rizal Avenue. Pero kakaiba naman ang trip ng mga batang ito, ang kanilang napalimusan ay ibibili ng rugby. Pampatuyo ng utak ang kanilang hanap at hindi pagkain para sa nagrerebolusyong bituka.

Hindi lamang sa Maynila nagkalat ang mga batang kalye kundi pati na rin sa maraming siyudad dito sa Metro Manila. Para silang mga kabute na nagsulputan at nag-aagawan sa maglilimos sa kanila. Pero bawal nga silang limusan, ayon sa DSWD.

Ano ang gagawin sa kanila? Pababayaan na lamang ba sila sa kalye? Iyan ang tila nalilimutan ng DSWD. Paano nga ba sila kukupkupin ng gobyerno? Ang DSWD lamang ang makasasagot dito.

BATA

BATANG

BONIFACIO ST.

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

DOROTEO JOSE ST.

KAHIT

KALYE

MARAMI

MAYROONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with