^

PSN Opinyon

Kumander Robot pilantod na

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
SIGURO mababawasan ang pangamba ng mga taga-Mindanao kasi nalaglag sa bitag ng 104th Brigade ng Army ang kilabot na si Galib Andang, alyas Kumander Robot, matapos itong ratratin ng mga soldiers sa kanyang lungga.

Sayang at buhay pa ang kamoteng rebelde.

Marami kasi itong pinatay, pinahirapan at ginahasa kaya naman ang mga pamilya na naging biktima ni Robot ay may mga kimkim ng sama ng loob sa gagong ito.

Pustahan tayo dalhin mo si Robot sa Luneta at ipabato sa mga tao siguradong marami ang pupukol ng bato sa kanya.

Mapabata o matanda, mayaman o mahirap, pangit o guwapo, bingi, pipi o bulag, may ngipin o bungal, may baktol o wala tiyak hindi nila ito palalampasin sa galit ng mga tao sa teroristang mamamatay tao.

Saludo ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa AFP at maging sa PNP na walang humpay sa paniniktik sa mga rebeldeng Muslim.

Isa-isa ng nahuhulog sa bitag ang mga terorista magmula kay Abu Sayad este mali Sabaya pala, Fathur Rothman al-Ghozi etcetera, dahil nabatid nila na totoong nakausap ng mga mamamatay tao si kamatayan ng wala sa panahon.

Ika nga, napaaga nang makalawit sila ni Kamatayan.

Nagpapasalamat ang mga kuwago ng ORA MISMO, kay Prez Gloria Macapagal-Arroyo, dahil sa reward money na ipinangako niya sa sinuman makakahuli patay man o buhay sa mga teroristang rebelde na naging dahilan para bumagsak ang ating ekonomiya at masira tayo sa mundo sa mga kagaguhang pinaggagawa nila.

Ika nga, may datung ang bawat naghirap sa operasyon.

Dapat bigyan ng bonus ang mga soldiers dito.

Tama ba, APF spokesman Col. Daniel Lucero, Sir!

Sinasaluduhan ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Col. Alexander Yapching at mga kasamahan nito sa 104th Brigade ng Philippine Army dahil hindi sila naduwag sa ginawang pagsalakay sa kuta ni Kumander Ubo este mali Robot pala.

"Pasalamat si Robot sa AFP at sinususian pa siya kaya siya nakakahinga hanggang ngayon?’’ anang kuwagong sepulturero.

‘‘Parang artista si Robot sa Manila dahil pagkakaguluhan ito ng media sa pagkodak dito,’’ sabi ng kuwagong embalsamador.

‘‘Dapat bantayang mabuti si Robot sa kanyang karsel at baka maglaho itong parang bula.’’

‘‘Palagay ko hindi kasi pilantod siya ngayon,’’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Paano kung gumaling?’’

‘‘Madali iyan hindi ba di susi o de baterya ang Robot?’’

‘‘Tanggalin mo para hindi na makagalaw,’’ anang Kotong cop.

‘‘Talagang bright ka, naisip mo pa iyon, kamote!’’

ABU SAYAD

ALEXANDER YAPCHING

DANIEL LUCERO

DAPAT

FATHUR ROTHMAN

GALIB ANDANG

IKA

KUMANDER ROBOT

ROBOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with