"Panawagan para sa isang lider"
December 8, 2003 | 12:00am
"What we need is a leader who can resist the call of graft and corruption. Someone who would not be drown to power once seated. One who is sensitive not only to the needs of the poor or the masses but the general public as a whole. More importantly, we need a leader who could make the Filipino people move and take action. We need a leader who could make us follow religiously what each of us ought to do to contribute to the countrys welfare Keitish 09203543354"
Ito ay comment ng isang reader ng "Calvento Files" na nagpapahiwatig ng karamihan sa pinagdarasal ng ating mga mamamayan na mamuno sa ating bayan.
Sino ang leader na ito? Si Fernando Poe, Jr. Si Da King ng pagkatapos magpahayag ay mawala at sinipon. Si Da King na ng hinamon ni Sen. Ping ng isang debate ay umurong at hindi sumagot? Si Da King ng inanyayahan ng "Business sector" para nakilala at matanong ng kanyang plataporma ng gobyerno ay biglang si Tito Sotto (of Tito, Vic and Joey fame) ang ipinadala at nag "no show." Si Da King na hanggang ngayon wala pa rin tayong nakikitang maliwanag ng "Political Platform" kung paano niya I-aahon ang ating bayan sa pagkasadlak sa kahirapan. ? "SIYA NA POE, BA?"
Si Sen. Ping Lacson? Siya na ba ito? Si Sen. Ping na para maunahan ang lahat ay nagdeklara, noon pa man na gusto niyang tumakbo at maging Presidente ng ating bayan. Si Sen. Ping sa hakbang na ito ay inunahan ang lahat ng iba sa paniniwala na iba na ang maagap kaysa matalino. Si Sen. Ping na nagsabi na hindi siya lalahok sa politika dahil marumi daw ito? "Politics is dirty!" Bigkas ni Mr. Clean na si Sen. Ping. Si Sen Ping na nagsabing muli na susunod siya sa proseso ng pagpili ng isang kandidato mula sa United Opposition Front para ilaban bilang Presidente sa 2004. subalit anong ginawa ni Sen. Ping? Anong ginawa ng kanyang mga kaalyado? Inunahan ang kanyang partido at nagproklama ng kanyang sarili. Bale wala na ang prosesong sinasabi ng oposisyon. "He has crossed the bridge and burned it." Watak na ang oposisyon, ngayon maghahati-hati ng boto dahil gulong-gulo ang mga taga suporta ni Erap.
Si Raul Roco na isang tingin mo lang ay "trapong-trapo" (Traditional Politician, kaibigan). Kasing trapo ng pamahiin niyang isuot ang bulaklakin niyang pulang polo shirt para bang tanga ang mga botante at hindi siya matatandaan kung iba ang suot niya. Trapong-trapo dahil naniniwala pa rin ito sa "lucky charm" gayung nawala na ang agimat na yan sa pag-retiro ni Ramon Revilla, Sr., mula sa politika. Si Raul Roco na mismong inirereklamo ng mga guro ng itoy Sec. of Education pa dahil kailagan daw kumuha ng course sa "anger management." Hindi Ms Korina Sanchez? Pwedeng-pwede na ito maging commercial model si Raul ng Alaxan FR. Mr. Roco huwag kang pikon para maniwala sa `yo ang taong bayan na hindi mo aabusuhin ang "power" na ipagkakaloob sa `yo kapag ikaw ay piliin maging Presidente sa 2004 ng ating mga kababayan.
Si Presidente Gloria Macapagal-Arroyo. Si Mrs. Urong-sulong? Pwede na itong host ng game show sa isang noon-time program na may palaro nito. Una, nagdeklara para hindi na siya tatakbo sa 2004. Inurong niya ito at isinulong ang kanyang sarili. Nagdeklara ng "REVAMP SA PNP" si director General Hermogenes Ebdane. Binawi agad ni PGMA at inorder ang "freeze" sa revamp, subalit selective freeze lamang ito para sa mga kaibigang PNP official na tumakbo sa kanya para magpasaklolo. Si Gen. Eduardo Mantillano na tahasang hinamon at kinwestion ang liderato ni PNP Chief Jun Ebdane. Naki-alam si PGMA at pilit na pinagbati silang dalawa, Ngayon binawi uli ang order na sibakin si Gen. Mantillano sa CIDG. Si PGMA na nagpahayag dahil sa lumalalang Peace and Order situation na ini-lift na niya ang suspension ng Death Penalty. Itoy ibinagbunyi ng mga crime groups, mga pamilya ng mga naging biktima ng "heinous crime" at ng sambayanang Pilipino. Hindi pa natutuyo ang tinta mula sa headlines ng mga pahayagan, heto na at binabawi na naman niya at sinasabing ang Death Penalty ay ipapatupad lamang sa mga kriminal na ang kasalanan ay kidnapping. Bakit "selective" na naman. Bakit pabago-bago? Wala na bang matinding paninindigan? Kaya bumabagsak ang rating mo sa mga survey.
"PGMA epitomizes what indicisiveness means."
Si Kabayang Noli De Castro? Isang produkto ng media-hype. Hindi pa nga nagpapakitang gilas sa Senado, nag-aambisyon na si De Castro na tumakbo bilang Presidente. Bakit hindi? Di bat parati siyang una sa mga surveys? Tama na ba ito? Ang kanyang popularidad para magpatakbo at I-angat ang bayan natin sa kahirapan. Hindi pa nga Presidente, nililigawan pa lang, tumaas na bigla ang singil ng "Lopez owned na Meralco" Hindi kaya parang "Spaghetti pa taas ang power rates dahil sa laki ng utang na loob ni De Castro sa mga Lopezes? Magandang Gabi, Kabayan.
Ano sa palagay ninyo mga mambabasa ng "CALVENTO FILES?"
Sino ba ang lider na hinahanap nang nagbigay ng comment sa atin? Paki text nyo lamang sa 09179904918. Maaari din kayong tumawag sa 7788442.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest