Buhay na mabigat pinagaan

ANG ating Ebanghelyo sa araw na ito ay napakaikli ngunit nakapagbibigay ng kaluwagan ng kalooban. Subukang pakinggan si Jesus na nangungusap sa inyo.

Si Mateo ang nagsalaysay sa atin nitong pinakanakapagpapaluwag-sa-loob na Ebanghelyo (Mt. 11:28-30).

‘‘Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na napapagal at nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo‚y pagpapahingahin ko. Pasanin ninyo ang aking pamatok, at mag-aral kayo sa akin; ako‚y maamo at mababang-loob, at makasusumpong kayo ng kapahingahan para sa inyong kaluluwa. Sapagkat maginhawang dalhin ang aking pamatok, at magaan ang pasaning ibibigay ko sa inyo.’’


Ang Rabinikong Judaismo’y nagpataw nang mabibigat na dalahin sa mga tao.

Alam ito ni Jesus. Pakinggan siya. Halimbawang kayo ay may mabigat na dalahin, nais ni Jesus na alisin ang bigat na inyong dinadala. Kung kayo ay nalilito at di-mapalagay, nais ni Jesus na kayo ay magkaroon ng katahimikan at kapayapaan. Mapapansin ninyo na ang pagtanggap sa mga itinuturo ng Ebanghelyo ay gagawing makabuluhan at nakalulugod ang inyong buhay.

Ang inyong buhay, di-gaya nang ipinapakita sa telebisyon at iba pang panoorin, ay tunay na maganda. Ang inyong buhay na maganda ay handog sa inyo ng Diyos.

Show comments