Pasko sa Policarpio
December 7, 2003 | 12:00am
TUWING Pasko isa sa mga dinarayo ng marami ay ang Policarpio St., sa Bgy. New Zaniga sa Mandaluyong City kung saan ay natatangi ang mga pahiyas at panoorin. Naging panata na ng mga naninirahan sa Policarpio sa pamumuno ng mag-asawang James at Norma Lim na handugan ng naiibang panoorin ang mga taga Bgy. New Zaniga. Malaking pera ang puhunan sa pagpapalamuting nagagandahang parol at iba pang Christmas lanters at Christmas lights, mga Santa Claus at mga anghel at belen na sa bawat taon ay may ibat ibang paksa subalit ang pinakabuod ay kapayapaan at kaligayahan sa buong mundo.
Sina Norma Lim ang may-ari ng PVL Restaurant na paboritong puntahan ng people from all walks of life at madalas na magdinner doon ang mag-asawang Fernando Poe Jr. at Susan Roces, PSN Columnist Dr. Tranquilino Elicaño Jr., maybahay na si Yvonne at only son TR at ganoon din si Zedric Von Schneider, 7-year old grandson ng mahal kong si Direk Willie Schneider na naninirahan din sa Mandaluyong. Isa pa ring hinahangaan sa Policarpio ay ang mala-Kastilyong bahay ni Baby Dalisay na hanggang sa tore ay tadtad ng Christmas lights. Mga buhay na Santa Claus ang naghahagis ng mga kendi sa mga nanonood ng Xmas spectacle nila.
Meron ding tiangge sina Norma Lim na mura ang mga bilihin. Ang kinikita sa tiangge ay idino-donate sa kawanggawa kabilang na ang mga street children at mahihirap na sakop sa parokya ng Sacred Heart sa Welfareville. Katulong ni Norma Lim sa kanyang socio-civic-religious work ang kaisa-isang anak na si Paul at sina Sister Linda Vicencio at mga kasamahan nila sa CWL. Isa rin si Norma Lim sa sponsor ng Misa ng Bayan tuwing Linggo na hatid ng Radio Veritas. Maraming simbahan ang tinutulungan ni Norma Lim na siyan nagpatapos sa Konstruksiyon ng adoration chapel ng simbahan ng San Felipe Neri.
Walan pagsidlan ng kaligayahan si Norma Lim kapag nakikitang nasisiyahan ang libu-libong dumadagsa sa Policarpio para saksihan ang natatanging pamaskong panoorin na kanilang handog.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended