^

PSN Opinyon

Sobra na ang pangingidnap

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
HINDI natin masisisi ang mga Tsinoy kung ang pakiramdam nila ay para silang nalulunod at walang mahawakan dahil sa walang tigil na kidnapping. Ang mga Tsinoy ay hindi na mapakale sapagkat natatakot silang sila na ang susunod na makidnap.

Marami ang nag-akala na ang ginawang pagdukot at pagpatay kay Betty Sy noong November 17 ay katapusan na dahil sa paghihigpit ng pulisya at sa pangako ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na hindi na dapat maulit pa ang pangingidnap.

Pero hindi natakot ang mga kidnappers. Dumukot uli. Isang 2-taong lalaki na anak ng isang Tsinoy businessman sa Muntinlupa City ang dinukot.

Dahil sa nawawalan na ng pag-asa ang mga Tsinoy nananawagan ang mga ito kay GMA na humingi na ito ng tulong sa US Federal Bureau of Investigation. Ang kahilingan ng ipinaabot ni Teresita Ang See, spokesperson ng Citizens Action Against Crime (CAAC).

Ito na siguro ang mabuting gawin. Lumalabas na nagiging inutil ang kapulisan na ikinasasama naman ng imahen ng administrasyon ni GMA. Dapat nang humakbang sa madaling panahon si GMA.

BETTY SY

CITIZENS ACTION AGAINST CRIME

DAHIL

DAPAT

DUMUKOT

FEDERAL BUREAU OF INVESTIGATION

MUNTINLUPA CITY

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

TERESITA ANG SEE

TSINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with