^

PSN Opinyon

Tuloy ang bitay sa 2004

- Al G. Pedroche -
SA wakas, inalis na ni Presidente Gloria Arroyo ang moratorium sa bitay. Narindi na rin siya sa sandamakmak na kidnapping at drug cases sa bansa. Hayy, natauhan din si Ate Glo, praise God!

Napilitan lang ang Pangulo na pigilin ang mga naka-schedule na bitay dahil sa pressure ng simbahan at ng mga human rights group kuno. Labag daw ito sa karapatang pantao. Ngunit nang sumahol ang sari-saring krimen na nagaganap sa bansa, ang Pangulo rin ang binabatikos at binubuntunan ng sisi.

Simula sa Enero ng papasok na taon, magkakaroon ng "bitay galore" sa National Penitentiary. Anang Pangulo, hindi na niya pipigilin ang mga iniskedyul na lethal injection session ng Korte Suprema sa mga death convicts na hinatulan dahil sa sari-saring heinous crimes.

Ang sukatan ng isang magaling na lider ay ang pagpapatupad ng mga desisyon, gaano man ka-unpopular kung ito ay sa ikabubuti ng bayan. Ang isang pinuno na yumuyukod sa dikta ng ilang sektor ay tatawagin kong politiko. Ang hangarin lamang ay masiyahan ang mga sektor na pagmumulan ng kanyang boto pagdating ng halalan. Mali! Maling-mali!

The decision to lift the moratorium on death penalty came a little too late. But better late than never
, ‘ika nga. Sa nakalipas na panahong nakabitin ang bitay, namamayagpag ang mga buktot na kriminal. Walang takot na nakapangingidnap ang mga kidnappers. Ang bawal na gamot ay malaya ring naibebenta kahit pa puspusan ang kampanya ng gobyerno laban dito, dahil sa multi-milyong pisong kayamanan na idinudulot nito.

Pati ang mga manyakis ay malayang nakapanggagahasa (pinapatay pa ang mga biktima) dahil walang kinatatakutang parusa maliban sa pagkabilanggo. Kaya sa mga proponent ng pag-aalis ng parusang bitay sa ating Kongreso, mag-isip-isip naman kayo. Kahit sa Biblia ay malinaw na nakasaad na ang kabayaran sa buktot na kasalanan at kamatayan. "The wages of sin is death." Huwag kontrahin ang salita ng Diyos.

ANANG PANGULO

ATE GLO

BIBLIA

DIYOS

ENERO

KORTE SUPREMA

NATIONAL PENITENTIARY

PANGULO

PRESIDENTE GLORIA ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with