^

PSN Opinyon

Cabinet member at kanyang secretary may illicit love affair

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -


ALAM n’yo bang may lihim na relasyon ang Cabinet member at kanyang secretary?

Ayon sa aking bubwit, 21 days na lang at Pasko na.

Happy birthday kay Mrs. Conching Lee, Nick Elman, Sis Mel Olivete, Karl Marx Velasco, Dr. Henry Chua, Louie Perez, Bob dela Cruz at Kristine Gubatan.
* * *
Alam n’yo bang may illicit love affair ang Cabinet member at ang kanyang secretary?

Ayon sa aking bubwit, matagal na ring mag-on si Cabinet member at ang kanyang secretary. Hindi lang masyadong bulgar ang kanilang affair dahil magaling magdala si Mr. Secretary.

Kapag lumalabas at kumakain si Mr. Secretary at kanyang chiching ay parating may mga kasama. Ang kasama niya palagi ay ang kanyang Undersecretary at isang staff.

Ayon sa aking bubwit, ganito ang nakita niyang style ni Mr. Secretary nang kumain ito sa labas kasama ang chiching.

Noong December 2, 2003 sa may Kaiseki Japanese Restaurant sa The Fort, Taguig City, dakong 1:00 p.m. ay kumain sina Secretary. Para hindi masyadong halata, naunang dumating ang chiching ni Secretary, kasama ang Undersecretary at isa pang staff.

Para hindi masyadong halata, sila ay kumuha pa ng isang function room para hindi sila makita ng ibang customer.

Makalipas ang mga 30 minuto ay dumating na si Mr. Secretary. Siya ay naka-polo Barong na kulay puti. Nagmamadaling pumasok sa kuwarto at saka tumabi sa kanyang sekretarya.

Hmmm, pa-simple pa kayo ha.
* * *
Ayon sa aking bubwit, matapos silang kumain ay hindi rin sila sabay-sabay na umalis.

Unang lumabas si Mr. Secretary, nagmamadali. After a few minutes ay sumunod na ring lumabas ang kanyang Undersecretary. Naiwan sa Japanese Restaurant ang secretary at isa pang chiching.

Teka, hindi kaya chiching naman ni Undersecretary yung isa pang chiching.

Okey ang style ninyong dalawa ah, hindi halata.

Puwede mong gayahin yung style nila Mayor Jojo Binay.
* * *
Ayon sa aking bubwit, ang chiching ni Mr. Secretary ay naka-black dress.

Dati na pala itong staff ni Secretary noong sila ay nasa Department of Trade and Industry pa. Nang mahirang na Cabinet member si Sir ay dinala ang chiching.

Untouchable ang chiching at Secretary sa kanilang opisina. At siyempre, kapag wala si Bossing, siya naman ang pormang Lady Bossing.

Medyo chubby siya ng konti, maputi, may taas na 5’1’’ at paga-Karen na siya. Karenta-anyos na siguro.

Tago natin sa pangalang Ms. T. as in Tiny.

At ang lover nitong Cabinet member ay si...

Ikaw naman Mr. Secretary, sa sariling bakuran ka pa nagkakalat ng dumi.

Siya ay si Secretary P. as in Palikero pala.

vuukle comment

AYON

CHICHING

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

DR. HENRY CHUA

JAPANESE RESTAURANT

KAISEKI JAPANESE RESTAURANT

MR. SECRETARY

SECRETARY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with