FPJ, napu-politka na!
November 29, 2003 | 12:00am
ISANG araw matapos magdeklarang sasali sa 2004 election si Da King, kaliwat kanang banat na ang inabot nito. Ika nga, bugbog sarado!
Bagaman hindi malinaw kung anong elective position ang tatakbuhan ni FPJ, walang humpay na birada na ang kanyang sinasalag. Kesyo second year high school lamang daw ang tinapos, walang karanasan sa pulitika, walang plataporma de gobyerno, etcetera
Ang pinakamatinding banat ay binitiwan ni Rep. Raul Gonzales na nagsabing insulto sa talino ng mamamayang Pilipino ang pagkandidato ni Da King. Pati ang pag-semplang ng piso ay isinisisi ng mga stock traders kay FPJ. Kamote talaga!
Kung masusi nating pag-aaralan ang nangyayari sa ating bansa at maging objective lamang tayo sa ating pananaw, maraming dahilan kung bakit nagkaka-hetot-hetot ang Pinas. Hindi si Da King ang dahilan. Nandiyan ang peace and order na kahit ano yatang gawin ng ating kapulisan ay hindi masugpo. Problema sa illegal drugs. Kidnap for ransom. Poverty. Unemployment. Kaliwat-kanang nakawan sa bawat sangay ng pamahalaan.
Ang hindi mamatay-matay na isyu ng coup detat.
Ang pagbibitiw ni Finance Sec. Isidro Camacho na ayon sa kanya ay masyadong nahahaluan ng pulitika ang kanyang departamento. Ang atras-abanteng pamumulitika ng mga hepe ng pamahalaan. Balingbingang katakut-takot. Ika nga, you name it, and the Philippines have it.
Marami daw magagaling na namumuno sa ating bansa, pero heto ang Pinas, pilay. Pang-labing isa sa pinaka-corrupt na bansa sa Asya. Si Da King ba dapat ang sisisihin dito?
Maraming magaling sa Pinas. Magaling magmane-obra ng batas.
Kung pabor sa kanila at ng kanilang kaalyado, kahit baluktot, kaya nilang tuwirin. Kahit tama naman kapag pabor sa kalaban, kayang baluktutin.
Hinihintay ng mga kalaban ni Da King na ilatag nito ang kanyang economic platform. Masyado pang maaga. Malayo pa nga ang Pasko. Sa 2004 pa ang hatawan. Nagmamadali ang mga kamote dahil baka kopyahin lang nila ang plataporma ni Da King kahit second year high school lang ito.
Bakit ba binabraso si FPJ na ilabas ang kanyang economic agenda? tanong ng kuwagong kristo sa sabungan.
Ang hirap kasi sa mga kamote ito, parating sila na lang ang tama. Hindi naman nila kayang iahon sa kahirapan si Juan Dela Cruz, sabat ng kuwagong sepulturero na naghuhukay ng sariling libingan.
Kung si Da King kaya, standard bearer ng administrasyon, babanatan pa kaya siya? tanong ng Kuwagong SPO-10 sa Crame.
Iyan ang itanong mo sa mga kakampi ni Prez Gloria, kamote, he-he-he!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest