Marami ang hindi naniniwala sa pahayag ni FPJ na kaya siya kakandidato sa 2004 ay sapagkat hindi niya kayang talikuran ang kahilingan ng mamamayan na matagal nang naghihirap. Ang suspetsa ay tatakbo siya upang matulungang mapalaya ang kumpareng si Erap.
Maraming pumupuna tungkol sa kakulangan ng karanasan. Paano mapatatakbo ang bansa na kasalukuyang nasasadlak sa kahirapan at sa napakaraming problema.Meron ba siyang alam sa basic economics, pang-internasyunal na pakikipag-ugnayan tungkol sa pananalapi at pangkabuhayan, modernong teknolohiya at agham. Kung wala siya nito, lubhang nakakatakot sapagkat baka magaya na naman siya kay Erap na asa na lamang sa ibang pulitiko na hindi masisiguro kung pansariling interes lamang ang talagang hangarin.