^

PSN Opinyon

Si FPJ na kaya?

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
KUMUWELA ang presentasyon sa pagdedeklara ni Fernando Poe, Jr. sa pagka-pangulo sa 2004. Kinagat ng publiko ang drama nina Sen. Ed Angara at Sen. Tito Sotto. Matagal ding binitin ni FPJ ang taumbayan sa kanyang desisyon kahit na noon pa man ay halata na papasok siya sa pulitika.

Marami ang hindi naniniwala sa pahayag ni FPJ na kaya siya kakandidato sa 2004 ay sapagkat hindi niya kayang talikuran ang kahilingan ng mamamayan na matagal nang naghihirap. Ang suspetsa ay tatakbo siya upang matulungang mapalaya ang kumpareng si Erap.

Maraming pumupuna tungkol sa kakulangan ng karanasan. Paano mapatatakbo ang bansa na kasalukuyang nasasadlak sa kahirapan at sa napakaraming problema.Meron ba siyang alam sa basic economics, pang-internasyunal na pakikipag-ugnayan tungkol sa pananalapi at pangkabuhayan, modernong teknolohiya at agham. Kung wala siya nito, lubhang nakakatakot sapagkat baka magaya na naman siya kay Erap na asa na lamang sa ibang pulitiko na hindi masisiguro kung pansariling interes lamang ang talagang hangarin.

ED ANGARA

ERAP

FERNANDO POE

KINAGAT

MARAMI

MARAMING

MATAGAL

MERON

PAANO

TITO SOTTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with