Christmas cards ipadala nang maaga

TALO ng maagap ang masipag. Ang kasabihang ito’y napatunayang totoo hindi lang minsan kundi maraming beses na. Malapit na ang Pasko. Nakaugalian na nating magpadala ng Christmas Cards at regalo. Ang Philippine Postal Corporation sa pamumuno ni Postmaster General G. Villanueva ay nanawagan na maagang magpadala ng Christmas cards, sulat at parcels para maiwasan ang pagkabalam sa Koreo. Ayon kay Villanueva kapag maagang naihulog ang mga sulat ay darating at matatanggap ng mga pinadalhan sa takdang panahon.

Dahil sa Kapaskuhan ay dadagsa ang mga magpapadala ng Christmas card and gifts. Naireport na marami ang nagrereklamo na natapos na ang Christmas season ay hindi pa rin natatanggap ang mga pinadala sa kanila ng kanilang mga mahal sa buhay at mga kaibigan at kakilala.

Ayon kay Villanueva para maiwasan ang Christmas rush dapat na i-mail na ang mga letters, cards and parcels ng maaga at huwag ilampas sa unang linggo ng Disyembre.

Sinabi niya na malaking tulong sa speedy mail services ang pagdaragdag ng mechanized facilities sa Central Mail Center sa lungosod ng Pasay bukod pa sa mga bagong mail vans sa iba’t ibang dako ng Kapuluan.

Sa mga magpapadala ng pera ipinapayo ng postmaster general na iwasang magsingit ng pera sa sulat manapa’y ipa-money order para siguradong matanggap ng padadalhan ng pera.

Show comments