Hindi ba kayo masisindak sa direktibang ito? Hindi bat ganito rin ang nangyari sa bansa noong bago ideklara ni Marcos ang martial law. Ang taumbayan ay nasasakmal sa takot dahil sa lahat yata ng tao noon ay may mga dalang baril?
Kung sabagay, hindi masisisi ang mga Tsinoy kung gamitin ang kanilang impluwensya sa pamahalaan upang hilingin nila ang pagpapalabas ng nasabing Presidential Decree. Sila ang ginagawang palabigasan ng mga kidnappers. Matagal na nga namang hindi ito nabibigyan ng solusyon ng awtoridad.
Hindi ako sang-ayon sa desisyon ni GMA at ng PNP na armasan ang mga Tsinoy. Maaaring humantong ito sa pag-aabuso na lalong magpapalala sa sitwasyon sa bansa. Nararapat din na ang mga namumuno ang magpakita ng magandang halimbawa. BATAS ang kailangan hindi ARMAS.