^

PSN Opinyon

Sugarol na actress,nagbi-bingo na lang dahil wala nang pang-casino

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang bingo na lamang ang pinaglilibangan ng isang sikat na actress matapos matalo ng malaking halaga sa casino?

Ayon sa aking bubuwit, 28 days na lang at Pasko na.

Happy birthday kay Dr. Henry Chua ng UDMC; Mrs. Lina Melendres, Rey Pacheco ng DZBB; Tony Lopez, Andy Vital, Andy Verde at Myrel Joyce Garcia.
* * *
Alam n’yo bang nakakaawa ngayon ang kalagayan ng isang dating sikat na actress matapos malulong sa iba’t ibang bisyo?

Ayon sa aking bubuwit, dati-rati ay napakayaman ng nasabing actress subalit ngayon ay halata nang naghihirap.

Nagsimula ang ganitong paghihirap ng actress nang malulong ito sa droga. Naging adik-adik si Actress nang magkarelasyon sa isang actor na drug addict.

Naka-recover kamakailan ang actress subalit nag-iba naman ito ng bisyo kaya lalo naman itong nabaon sa utang. Dahil sa kanyang masamang bisyo ay naisangla at naipagbili ang kanyang bahay.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, noong November 25, 2003, dakong 7:00 p.m. ay nakita si Actress sa SM Megamall sa Mandaluyong City. Siya ay nakasuot ng kulay black na damit at halatang malungkot ang mukha. Kung dati-rati ay mga chips sa casino ang kanyang hawak kapag nagsusugal, ang hinahawakan ngayon ay mga card – mga card ng bingo sa SM Megamall.

Ayon sa aking bubuwit, tag-hirap na ngayon ang actress at baon pa sa utang kaya hindi na kayang magsugal sa casino. Mula sa casino ay sa bingohan na ngayon nagsusugal.

Kawawang actress!
* * *
Bumili ng maraming card si Actress na tig-P35 ang isa para malaki ang tsansang manalo sa bingo. Subalit tumagal siya ng hanggang 9:00 p.m. ay ni minsan ay hindi tumama ang actress.

Kawawa naman, habang ipinapakita ang kanyang mukha sa TV monitor sa bingohan ay halatang wala na itong ningning. Pero kahit ganun ang sinapit ni Actress, may mga humahanga pa rin sa kanya na nagpa-autograph. Kawawa namang actress ito, naging bulagsak kasi at nalulong pa sa masamang bisyo.

Ayon sa aking bubuwit, ang mga kaklase pala ni Actress sa bingohan ay sina singer Freddie Aguilar at actress Bella Flores.

Ayon sa aking bubuwit, ang dating sikat na actress na nagbi-bingo na lamang sa SM Megamall dahil wala nang pang-casino ay si Actress-singer...

Dating Superstar, si actress-singer N.A.

vuukle comment

ACTRESS

ANDY VERDE

ANDY VITAL

AYON

BELLA FLORES

DATING SUPERSTAR

DR. HENRY CHUA

FREDDIE AGUILAR

MEGAMALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with