"Ngunit bago mangyari ang lahat ng ito, darakpin kayot uusigin. Kayoy dadalhin sa mga sinagoga upang litisin at ipabilanggo. At dahil sa akin ay ihaharap kayo sa mga hari at gobernador. Ito ang pagkakataon ninyo upang magpatotoo tungkol sa akin. Ipanatag ninyo ang inyong kalooban, huwag kayong mababalisa tungkol sa pagtatanggol sa inyong sarili; sapagkat bibigyan ko kayo ng katalinuhan at ng pananalitang hindi kayang tutulan o pabulaanan ng sinuman sa inyong mga kaaway. Ipagkakanulo kayo ng inyong mga magulang, mga kapatid, mga kamag-anak, at mga kaibigan. At ipapapatay ang ilan sa inyo. Kapopootan kayo ng lahat dahil sa akin, ngunit hindi mawawala ni isang hibla ng inyong buhok. Sa inyong pagtitiis ay tatamuhin ninyo ang buhay na walang hanggan."
Ang mga kuwento ng napakaraming martir at mga bayani ng Kristiyanong pananampalataya ay nagpapakita na sa kanilang pagsaksi, ang kanilang mga katawan ay nagkapasa-pasa, ang kanilang mga buto ay nangadurog. Silay ipinakain sa mga mababangis na hayop, ang kanilang mga katawan ay nagkaluray-luray. Hindi naging mahalaga kung nawalan man sila ng hibla ng kanilang buhok, o nawala ang kanilang mismong buhay. Subalit silay nagpunyagi hanggang sa wakas. Punumpuno sila ng pag-asa. Talos nila na ang buhay dito sa mundo ay hindi ang wakas. May walang-hanggang buhay na naghihintay sa kanila.