^

PSN Opinyon

WOW Philippines! (Wow, No Death Penalty!)

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
SA mata ng mga sindikato ng droga na mga nanggagaling sa bansang China, "paraiso" ang bansang Pilipinas para sa kanila.

‘Ika nga, "Wow Philippines!" Alam nila dito sa bansa nating ‘to, hindi binibitay ang mga nahuhuling dayuhang nagma-manufacture ng droga.

‘Di tulad sa bansang kanilang pinanggalingan, wala nang maraming ngawa "tigok" agad sila.

Kaya dito lamang sa "paraisong" bansang Pilipinas, nagagawa nila ang mga bagay na ‘di nila kayang gawin sa kani-kanilang bansa.

Hindi sila sasantuhin ng kanilang gobyerno. Dahil dito hindi lang umurong ang kanilang mga bayag kundi tuluyan na itong "kumuyos" sa takot.

Kahit na paigtingin pa ng pamahalaan ang ating kampanya laban sa droga, maging ang pakikipaglaban sa mga notoryus na Kidnap-for-ransom syndicate, tuloy ang kanilang ligaya.

Sunud-sunod nga ang pagkakahuli ng ating mga awtoridad sa mga big time manufacturers na karamihan mga dayuhang Tsino. "Wa epek" pa rin ito sa mga sindikato. Hangga’t hindi ipinatutupad ng ating pamahalaan ang parusang "bitay" tulad ng mga "kapitbahay" nating bansa, tuloy ang kanilang paghasik ng lagim.

Mahuli man sila, LIGTAS ang mga ito sa parusang bitay. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi sila natatakot.

KULUNGAN lang naman kasi ang kanilang hahantungan. Sa loob ng kulungan, kasama ang mga notoryus na kidnap-for-ransom at iba pang mga halang ang bituka, sila ang hari. Ipagtanong ninyo ito kay Bureau of Corrections (BuCor) chief General Dionisio Santiago, alam na alam n’ya ang hubo’t hubad na katotohanan na nakasulat sa kolum kong ‘to.

Bahagi lang ‘to ng kanyang eksklusibong pahayag sa aking radio program, ‘nung nakaraang linggo.

Tulad ni General Dionisio Santiago, PRO-LIFE din ako. Parehong buo ang aming dibdib at naniniwala sa DEATH PENALTY!

Ang pagkakaiba nga lang namin ni Santiago, kaya kong sabihing pakialamero ang Simbahang Katoliko. Isa sila sa mga dahilan ng problema.

Magiging epektibo lamang ang pagpapalakas ng ating pamahalaan sa mga institusyong sumusunod, PANGHUHULI ng ating mga awtoridad, agarang PAGSASAKDAL ng ating hukuman at PAGKUKULONG at PAGBIBITAY sa mga ito.

ALAM

ATING

BUREAU OF CORRECTIONS

GENERAL DIONISIO SANTIAGO

KANILANG

PILIPINAS

SIMBAHANG KATOLIKO

WOW PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with