Ordinaryong krimen huwag pabayaan
November 25, 2003 | 12:00am
NAKATUON ngayon ang pansin ng Pulisya at iba pang ahensiya ng gobyerno laban sa illegal na droga at kidnapping, ganoon din ang media at ang ibat ibang organisasyong nagtutulong tulong labanan ang paglala ng kriminalidad sa bansa.
Maganda ang ginagawa nilang ito at karapat-dapat silang purihin lalo na ang mga malalaking huling illegal na droga nitong mga nakaraang araw. Ipagpatuloy po ninyo iyan pero may paalala lang po sana kami.
Habang nalalapit ang kapaskuhan, dumadami rin ang kaso ng pandurukot, snatching, holdup ng mga pampublikong sasakyan, agawan ng cell phones, akyat bahay at iba pang krimeng hindi nga masyadong pansinin pero lubos na nagpapahirap sa ordinaryong mamamayan.
Bagamat tama ang walang tigil nyong pag-raid sa mga shabu factory, huwag sana ninyong kalimutan ang kriminal na tuloy na nag-aabang sa mga misis na kahit konti na lang ang halagang dala galing sa kakarampot na suweldo ni Mister tuwing mamamalengke ay kailangan pang itago ang salapi sa panyo na naka-pardible sa loob ng damit o bra.
Tutukan nyo rin ang mga holdupper na umaakyat sa pampublikong sasakyan upang maagaw ang maliit na 13th month pay ng mga ordinaryong empleyado. Karamihan ho ay di na tatanggap ng bonus dahil masama ang ekonomiya ng bansa sa pangangasiwa ni Madam Senyora Donya Gloria, isang ekonomista.
Abangan nyo rin ang mga snatchers na naglipana para mang-agaw ng mga cell phone na matagal ding pinag-ipunan ng mga mangagawa, estudyante at pangkaraniwang taong nagtipid makabili lang at makapag-text. Sama nyo na ang nanghahablot ng bag, kwintas na padala ni Itay mula Saudi o Rayban na bigay ni Ate na mag-isang nagbubuhat ng mga matatanda bilang caregiver sa US.
Dagdagan na rin sana ho ang patrulya para matigil ang mga akyat bahay na tumatangay ng tv na nabili sa duty free ni kuya o kayay nanunungkit ng pantalong maong na padala ni pinsan na katulong sa Hong Kong.
Inuulit namin na tama ang panibagong kampanyang ginagawa laban sa kidnapper at drug lord, pero sana naman lahat ng uri ng krimen ay labanan at hindi lang yung papalakpakan kayo at bibigyan ng komendasyon ni Madam Gloria.
Dapat manumbalik ang tiwala sa PNP ng sambayanan, kung saan ang mga naka-uniporme ay sasaluduhan pa at gagawing idolo ng kabataan.
Halos dalawang daang text messages ang natanggap natin tungkol sa tanong natin ukol sa parusa para sa mga kriminal, lalo na yung mga rapists, drug lords, kidnappers at iba pang karumal dumal na krimen.
Lahat naniniwala na dapat parusahan ng kamatayan ang mga walanghiyang mga ito pero maliban sa isa na gusto ay habang buhay na pagka bilanggo para raw maranasan ang hirap. Mayorya ho ay nagsasabing hindi na dapat pansinin ni Madam Senyora Donya Gloria ang Kardinal SIN sa pagtutol ng huli sa death penalty.
Sa paraan ng sentensyang dapat igawad sa kriminal, iba iba, gaya ng pagpugot sa ulo, pagbitay, firing squad, putulan ng kamay kung nagnakaw, putulan ng ari kung nang rape, lethal injection, silya elektrika, balatan ng buhay at meron pang kung ano ang ginawang kasalanan ay gayahin ang ginawa at doblehin. Halimbawa pag nanaksak ng 12 beses, saksaking ng 24 na beses.
Pero lahat ay galit na galit na sa krimen at gustong mabuhay ng matahimik kaya karamihan rin ay pumapayag na alisan ng karapatang pantao at due process ng mga kriminal.
Mas mahalaga ang human rights ng mga biktima na siyang mga tunay na nagdusa sa kahayupan ng mga kriminal, lalo na ang mga taong kasali sa illegal na droga.
Dapat apurahin ang kaso laban sa mga drug lord at pagkatapos wala ng moratorium, bitayin sila sa pamamagitan ng lethal injection, firing squad o kahit guillotine. Kung dayuhan naman ang mahuli, mas mabuti, dahil magsisilbing babala ito sa buong mundo na seryoso na tayo sa pagsugpo ng illegal na droga, dahilan ng iba pang krimen.
Ang parusang dapat ng mga kriminal ay parusang kamatayan lalo na ang mga involve sa drugs na nakasira sa maraming kabataan. 09205314004; Dapat i-firing squad tulad ng ginwa kay lim seng mrmi ntkot kriminal. 09197204577;
Pr sa mhirap lng ang lethal injection pg myman k ligtas k dyan. Pr s akin on d spot ay ptyin ang goons. 09198912763; Alam nyo dapat sa kriminal bitayin o d kaya pugutan ng ulo. 09208802198;
Gma tanda ko ang cnabi nyo ba bitayin ang mga drug lord pro s dami ng nhuli wla pang n isang nbitay at nhtulan n. pro prag pinoy, klhting klo penalty agad. 09196493956; Dapat ay putol ulo ang parusa sa mga kidnaper na yan sa isang plaza ng bayan at wag sundin sin sin. 09205899007;
Dapat silya elektrika ang prusa sa mga kriminal pra mrmdaman dn nla yng skit s gnaw nlang krimen. 85290241663; Kung mgnnkaw putuln dlawang kmay, kung rapist ptlan ari, pag govt employee putuln ulo pra di 2laran. 09193819944;
Dpat iptupad ang death penalty at naka live telecast sa lhat ng channel. 09274250963; Dpat s mga kriminal balatan ng buhay! 09173631609; Mas mainm na prsa sa mga gnyang krmnal ay pkwlan sa lwsa ng nkgpos ska ptyin sa bgbg ng mga kaanak ng bktma at mga taumbyan. 17023382092;
Kidnappers, rapists, drug lord, dpat btayin at tadtrin ng bala. 85293427869; Unahin ang mga drug traffickers, firing squad dpat at live on air sa tv at obligado lhat ng tv stations n iplbas un. 09167975849.
Para sa ano mang reaksyon, mag-e-mail lang sa [email protected] o kayay magtext sa 09272654341. Mapapakinggan nyo rin ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon tuwing Lunes at Miyerkules.
Maganda ang ginagawa nilang ito at karapat-dapat silang purihin lalo na ang mga malalaking huling illegal na droga nitong mga nakaraang araw. Ipagpatuloy po ninyo iyan pero may paalala lang po sana kami.
Habang nalalapit ang kapaskuhan, dumadami rin ang kaso ng pandurukot, snatching, holdup ng mga pampublikong sasakyan, agawan ng cell phones, akyat bahay at iba pang krimeng hindi nga masyadong pansinin pero lubos na nagpapahirap sa ordinaryong mamamayan.
Bagamat tama ang walang tigil nyong pag-raid sa mga shabu factory, huwag sana ninyong kalimutan ang kriminal na tuloy na nag-aabang sa mga misis na kahit konti na lang ang halagang dala galing sa kakarampot na suweldo ni Mister tuwing mamamalengke ay kailangan pang itago ang salapi sa panyo na naka-pardible sa loob ng damit o bra.
Tutukan nyo rin ang mga holdupper na umaakyat sa pampublikong sasakyan upang maagaw ang maliit na 13th month pay ng mga ordinaryong empleyado. Karamihan ho ay di na tatanggap ng bonus dahil masama ang ekonomiya ng bansa sa pangangasiwa ni Madam Senyora Donya Gloria, isang ekonomista.
Abangan nyo rin ang mga snatchers na naglipana para mang-agaw ng mga cell phone na matagal ding pinag-ipunan ng mga mangagawa, estudyante at pangkaraniwang taong nagtipid makabili lang at makapag-text. Sama nyo na ang nanghahablot ng bag, kwintas na padala ni Itay mula Saudi o Rayban na bigay ni Ate na mag-isang nagbubuhat ng mga matatanda bilang caregiver sa US.
Dagdagan na rin sana ho ang patrulya para matigil ang mga akyat bahay na tumatangay ng tv na nabili sa duty free ni kuya o kayay nanunungkit ng pantalong maong na padala ni pinsan na katulong sa Hong Kong.
Inuulit namin na tama ang panibagong kampanyang ginagawa laban sa kidnapper at drug lord, pero sana naman lahat ng uri ng krimen ay labanan at hindi lang yung papalakpakan kayo at bibigyan ng komendasyon ni Madam Gloria.
Dapat manumbalik ang tiwala sa PNP ng sambayanan, kung saan ang mga naka-uniporme ay sasaluduhan pa at gagawing idolo ng kabataan.
Lahat naniniwala na dapat parusahan ng kamatayan ang mga walanghiyang mga ito pero maliban sa isa na gusto ay habang buhay na pagka bilanggo para raw maranasan ang hirap. Mayorya ho ay nagsasabing hindi na dapat pansinin ni Madam Senyora Donya Gloria ang Kardinal SIN sa pagtutol ng huli sa death penalty.
Sa paraan ng sentensyang dapat igawad sa kriminal, iba iba, gaya ng pagpugot sa ulo, pagbitay, firing squad, putulan ng kamay kung nagnakaw, putulan ng ari kung nang rape, lethal injection, silya elektrika, balatan ng buhay at meron pang kung ano ang ginawang kasalanan ay gayahin ang ginawa at doblehin. Halimbawa pag nanaksak ng 12 beses, saksaking ng 24 na beses.
Pero lahat ay galit na galit na sa krimen at gustong mabuhay ng matahimik kaya karamihan rin ay pumapayag na alisan ng karapatang pantao at due process ng mga kriminal.
Mas mahalaga ang human rights ng mga biktima na siyang mga tunay na nagdusa sa kahayupan ng mga kriminal, lalo na ang mga taong kasali sa illegal na droga.
Dapat apurahin ang kaso laban sa mga drug lord at pagkatapos wala ng moratorium, bitayin sila sa pamamagitan ng lethal injection, firing squad o kahit guillotine. Kung dayuhan naman ang mahuli, mas mabuti, dahil magsisilbing babala ito sa buong mundo na seryoso na tayo sa pagsugpo ng illegal na droga, dahilan ng iba pang krimen.
Pr sa mhirap lng ang lethal injection pg myman k ligtas k dyan. Pr s akin on d spot ay ptyin ang goons. 09198912763; Alam nyo dapat sa kriminal bitayin o d kaya pugutan ng ulo. 09208802198;
Gma tanda ko ang cnabi nyo ba bitayin ang mga drug lord pro s dami ng nhuli wla pang n isang nbitay at nhtulan n. pro prag pinoy, klhting klo penalty agad. 09196493956; Dapat ay putol ulo ang parusa sa mga kidnaper na yan sa isang plaza ng bayan at wag sundin sin sin. 09205899007;
Dapat silya elektrika ang prusa sa mga kriminal pra mrmdaman dn nla yng skit s gnaw nlang krimen. 85290241663; Kung mgnnkaw putuln dlawang kmay, kung rapist ptlan ari, pag govt employee putuln ulo pra di 2laran. 09193819944;
Dpat iptupad ang death penalty at naka live telecast sa lhat ng channel. 09274250963; Dpat s mga kriminal balatan ng buhay! 09173631609; Mas mainm na prsa sa mga gnyang krmnal ay pkwlan sa lwsa ng nkgpos ska ptyin sa bgbg ng mga kaanak ng bktma at mga taumbyan. 17023382092;
Kidnappers, rapists, drug lord, dpat btayin at tadtrin ng bala. 85293427869; Unahin ang mga drug traffickers, firing squad dpat at live on air sa tv at obligado lhat ng tv stations n iplbas un. 09167975849.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended