Kapistahan ni Kristong Hari
November 23, 2003 | 12:00am
ANG kapistahan ni Kristong Hari ay idinikreto ni Papa Pio XI noong 1925. Sa Ebanghelyo sa araw na ito, si Jesus ay dinala kay Pilato at pinagtatanong ni Pilato si Jesus tungkol sa pagkahari ng huli. Hindi ikinaila ni Jesus na siyay Hari. At ito ang pinagtakhan ni Pilato. Basahin ang Juan 18:33-37.
Si Pilatoy pumasok uli sa palasyo at tinawag si Jesus. "Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?". Sumagot si Jesus, "Iyan bay galing sa iyong sariling isipan, o may nagsabi sa inyo? Ako bay Judio?" Tanong ni Pilato. "Ang mga kababayan mo at ang mga punong saserdote ang nagdala sa iyo rito. Ano ba ang ginawa mo?" Sumagot si Jesus, "Ang kaharian koy hindi sa sanlibutang ito. Kung sa sanlibutang ito ang aking kaharian, ipinakipaglaban sana ako ng aking mga tauhan at hindi naipagkanulo sa mga Judio. Ngunit hindi sa sanlibutang ito ang aking kaharian!" "Kung gayon, isa kang hari?" sabi ni Pilato. Sumagot si Jesus, "Kayo na ang nagsabing akoy hari. Ito ang dahilan kung bakit ako ipinanganak at naparito sa sanlibutan: Upang magsalita tungkol sa katotohanan. Nakikinig sa aking tinig ang sinumang nasa katotohanan."
Nang tanungin ni Pilato si Jesus kung siya ang Hari ng mga Judio, ipinaliwanag ni Jesus na ang kanyang pagkahari ay hindi sa sanlibutang ito. Na ang kanyang kaharian ay nasa langit.
Mahalaga para sa atin na maunawaan ang kahulugan ng pagkahari ni Jesus sa atin at sa buong sangkatauhan. Dapat nating hayaan si Jesus na tunay na maghari sa ating buhay. Siyay dapat na maghari sa ating lipunan at sa buong mundo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest