Ang sunflower na tinatawag ding chichirika at Flora del Sol ay may anti-cancer cella. Itoy lunas din sa mga may tumor, irregular menstruation at venereal diseases.
Tinaguriang broom of the sea ang balatan o sea cucumber na mayaman sa calcium at iodine. Bukod sa pagiging very nutritious meron din itong aphrodisiac value. Paborito ng sea cucumber ng mga Chinese na inihahalo ito sa pancit, sa sopas at ginagawa rin itong biskuwit at minatamis.
Ang glutonous squash ay ang kalabasa na malagkit kapag lutuin at ang lasa ay parang nilagang kamote. Maliit ang bunga nito na sinlaki lang ng papaya at makaraan ang 50 araw na itanim ito ay magbubunga na. Ang kalabasa ay pampalinaw ng mata.
Ang brocolli o wild cabbage ay ipinapayong kanin ng mga may breast cancer. Malakas ang iron content ng brocolli na gamot din sa mga anemic, may sakit sa puso, sa tiyan at constipation. Ang dinikdik na balat ng brocolli ay malaking tulong sa mga may rayuma.