^

PSN Opinyon

Mga ulat pangkalusugan

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
ANG red wine ay napatunayang mabisa sa mga may karamdaman sa puso. Ayon sa report ng European Society of Cardiologists na kamakailan lamang ay nagpulong sa Greece, ang red wine ay may sangkap na tumutunaw sa nikotina mula sa paninigarilyo. Ayon pa rin sa mga eksperto ang red wine ay nakatutulong para baligtarin ang sinasabing harmful effects sa kalusugan ng tao.

Ang sunflower na tinatawag ding ‘‘chichirika’’ at ‘‘Flora del Sol’’ ay may anti-cancer cella. Ito’y lunas din sa mga may tumor, irregular menstruation at venereal diseases.

Tinaguriang ‘‘broom of the sea’’ ang balatan o sea cucumber na mayaman sa calcium at iodine. Bukod sa pagiging very nutritious meron din itong aphrodisiac value. Paborito ng sea cucumber ng mga Chinese na inihahalo ito sa pancit, sa sopas at ginagawa rin itong biskuwit at minatamis.

Ang ‘‘glutonous squash’’ ay ang kalabasa na malagkit kapag lutuin at ang lasa ay parang nilagang kamote. Maliit ang bunga nito na sinlaki lang ng papaya at makaraan ang 50 araw na itanim ito ay magbubunga na. Ang kalabasa ay pampalinaw ng mata.

Ang brocolli o wild cabbage ay ipinapayong kanin ng mga may breast cancer. Malakas ang iron content ng brocolli na gamot din sa mga anemic, may sakit sa puso, sa tiyan at constipation. Ang dinikdik na balat ng brocolli ay malaking tulong sa mga may rayuma.

AYON

BROCOLLI

BUKOD

EUROPEAN SOCIETY OF CARDIOLOGISTS

MALAKAS

MALIIT

PABORITO

TINAGURIANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with