Kung kayo ay may pigsa, sikaping palakasin o patibayin ang inyong immune system. Ang Zinc ang pinakamabisang maibibigay sa immune system para tumibay at hindi magkapigsa. Kinakailangang mag-take ng 8 mg. ng Zinc araw-araw katumbas ito ng 159 g. ng minced beef halimbawa. Kung may pigsa, dagdagan ang intake ng Zinc sa 30 mg. Sa loob ng isa o dalawang linggo. Kung gumagamit kayo ng supplement, ensure that they also contain copper as increasing Zinc intake can interfere with the way copper is metabolized in the body.
May amount ng Zinc na matatagpuan sa karne ng manok, isda at mga cereals subalit ang pagkain na nakukunan ng 39 mg. ng Zinc ay ang talaba o oysters. Ang kalahating dosena ng talaba ay nakapagdudulot ng 35 mg. ng Zinc. Subalit alam nyo ba na ang pagkain nang maraming bawang ay mabuti rin para maiwasan ang pagkakaroon ng pigsa? Ang bawang ay mayroong natural antibacterial properties na tumutulong para ma-improve ang kalusugan ng balat.
Panatilihin din ang adequate intake ng Viatmins A, C, at E. Ang Vitamin A ay matatagpuan sa isda, atay at dairy products. Ang Vitamin C ay matatagpuan sa mga sariwang prutas at gulay at ang Vitamin E ay sa tinapay, cereals, nuts and seeds.