^

PSN Opinyon

May amnesia si Lina ?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MUKHANG tulad ng kanyang pagbabanta sa pulisya ukol sa jueteng, nabaon na rin sa limot ang pagyayabang ni Interior Secretary Joey Lina na sisibakin niya sa tungkulin ang mga hepe ng pulisya na may shabu laboratory sa kanilang hurisdiksyon. Kasi nga halos sunud-sunod na ang accomplishment ng Anti-Drug Special Operations Task Force (AID-SOTF) ni Dep. Dir Gen. Edgar Aglipay laban sa shabu lab pero hanggang sa ngayon ay wala ni isang hepe ng pulisya na nasibak, he-he-he! Tulad sa jueteng, nawalan na rin ng lason ang laway ni Lina kung droga ang pag-uusapan.

Nagbanta si Lina na sisibakin niya ang hepe ng Tanza, Cavite matapos matuklasan ang shabu laboratory doon ilang buwan na ang nakaraan. Naglabasan sa diyaryo at radyo ang bantang ito ni Lina, pero hanggang sa ngayon, nandoon pa rin ang hepe ng pulisya, di ba mga suki? At mula nang mabuwag ang shabu laboratory sa Tanza, may lima pang laboratoryo at pitong warehouses ang na-neutralize ng AID-SOTF sa Metro Manila at iba pang lugar pero walang ni isa mang hepe ng pulisya ang nasibak.

Kaya kung may plano talaga si Lina na bumalik sa pulitika, siguro dapat lang na mag-isip siya nang malalim dahil kung sa ngayon gaganapin ang elections, eh tiyak tagilid ang tsansa n’ya. Sino ba naman ang botanteng boboto sa isang taong walang isang salita? ’Ika nga, pipiliin ng mga botante ang mga taong may bayag at marunong sumunod sa pangako keysa bolero, di ba mga suki? Ano na naman kaya ang magiging dahilan sa anggulong ito ni Lina? Mahilig kasi siyang pumapel pero panay lusot naman kapag tagilid na ang mga programa niya, he-he-he! Iwas-pusoy ang tawag doon, ano? Kung tutuusin nga, hindi na nagsasalita si Lina ukol sa jueteng na talamak na naman lalo na sa mga probinsiya. May sakit na amnesia kaya si Lina?

Matatandaan na ipinangako niyang mag-resign kapag hindi niya maipasara ang jueteng sa isang taon, pero lalong yumabong lang ang jueteng at nandiyan pa rin sa puwesto niya si Lina. Kung noon, sinasabayan ng simbahang Katoliko ang kampanya ni Lina sa jueteng, sa ngayon nag-iisa na lang ang boses ng mga pari at naiwan sa kangkungan ang mga program of action ni Lina laban sa pasugalan. Kung abot-langit ang propaganda noon ni Lina laban sa jueteng, sa ngayon ang pondo ay napunta sa infomercials niya. At katunayan, nabuwag na ang Task Force Jericho, ang operating arm niya, subalit nandiyan pa rin ang jueteng. Pero ayon sa kausap natin sa Camp Crame, tuloy ang koleksiyon ng Jericho na dumadaan na sa ngayon sa automated teller machines (ATM).

May alam kaya dito si Atty. Morga?

CAMP CRAME

DIR GEN

DRUG SPECIAL OPERATIONS TASK FORCE

EDGAR AGLIPAY

INTERIOR SECRETARY JOEY LINA

JUETENG

LINA

METRO MANILA

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with