^

PSN Opinyon

Tips sa pamumulikat

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
ANG pulikat (cramps) ay napakasakit. Madalas na ang pulikat ay umaatake sa paa, sa mga daliri, bukong-bukong at hita. Nagkakaroon ng pulikat dahil sa sobrang pag-eehersisyo, lalo na ang nag-exercise sa mainit na sikat ng araw.

Isa sa dahilan ng cramps ay ang kakulangan ng asin sa katawan. Isa pang dahilan ay ang poor circulation ng dugo. Karamihan sa mga buntis ay nagkaka-cramps din.

Isa sa pinakamakirot na pulikat ay iyong ‘‘nocturnal cramps’’ na umaatake sa gabi at kadalasan ang mga tumatanda ang nakakaranas nito. Ipinapayo sa mga nagkakaroon ng nocturnal cramps na uminom ng maraming tubig lalo na iyong ‘‘tonic water.’’ Ang pagtulog na ang binti ay nakataas o nakabaluktot ay epektibo rin para huwag nang pulikatin.

Kapag may cramps ay dapat na ituwid ang muscles at masahiin ito. Kung ang paa naman ay pinupulikat ay baluktutin ang mga daliri ng paa na paharap sa iyo. Ang pinakamasakit na pulikat ay sa binti kaya dapat bago matulog ay magpamasahe muna.

vuukle comment

CRAMPS

IPINAPAYO

ISA

KAPAG

KARAMIHAN

MADALAS

NAGKAKAROON

PAA

PULIKAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with