^

PSN Opinyon

'Super bagyo' si Turing Sy kay Atienza,kumpare kasi

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MARAMI palang atraso si Chairman Turing Sy sa kanilang lugar sa Tondo subalit nagbubulag-bulagan lang ang kanyang mga kapitbahay dahil ‘‘super-bagyo’’ siya sa kumpare niyang si Mayor Lito Atienza. Sinabi ng Manila’s Finest na nakausap ko na ang bahay pala ni Mang Turing ay halos sinakop na ang bangketa pero hindi naman siya sinisita ni Atienza. Kung gaano kalaking espasyo ang sinakop ng bahay ni Mang Turing sa Pitong Gatang St., sa Tondo ay ganoon na rin ang sinakop ng kanyang kapatid at anak na si Randy Sy, ang isa sa pinakamalaking video karera operator sa Maynila. Pero kung maligaya sa ngayon si Turing Sy sa liderato ni Mayor Atienza nga, aba darating din ang kanyang panahon. Talagang bagyo si Sy kay Atienza dahil malaking papel ang ginampanan niya para manalo ito noong mga nakaraang elections nga. Kaya kayong makakalaban ni Mayor Atienza sa nalalapit na May elections, dapat ang unang puntiryahin n’yo ay si Turing Sy para hindi kayo madaya at lumaki ang tsansa n’yong manalo, di ba mga suki?

Ayon pa sa Manila’s Finest, kaya hindi sumusulong ang kasong illegal jumper ng kuryente at tubig laban kay Turing Sy ay dahil kinakalong siya ni Atienza. At hindi maaaring banggain mo lang si Turing at anak na si Randy dahil may alaga silang ‘‘hitman’’ na tagapatahimik ng mga kalaban nila. Idinagdag pa ng Manila’s Finest na nakadalawa na si Randy Sy pero naayos niya ang kaso dahil mga hampaslupa lang ang kanyang nabiktima. Ibig bang sabihin niyan, tinatakpan lang ng mga Manila Police ang kabuktutan ni Randy Sy? Sinabi pa ng mga nakausap ko na kapag mainit si Randy dito sa Maynila, aba mag-aalsa balutan ito at magpalamig sa Amerika, he-he-he! Sobrang laki talaga ang kinikita ni Randy sa makina sa liderato ni Atienza.

Nilinaw naman ng dating empleyado ni Chairman, na ang riles ng tren sa Claro M. Recto ay hati sa pakinabang sina Turing Sy at Frankie Alejandro alyas Alejandrotong. At ayon sa Manila’s Finest, may kakutsaba silang mga pulis na taga-Station 2 at Station 11 sa kanilang illegal na operasyon. At habang maligaya sina Turing Sy at Alejandrotong, aba ibig sabihin niyan patuloy ding namamantikaan ang nguso ni Tessie Talangka, di ba mga suki? Sa ngayon hindi pa rin nawawala ang pangamba ng mga Pinoy vendors diyan na kapag hindi na natin isisiwalat ang patuloy na pangha-harass ni Alejandrotong ay maaaring balikan sila. May balita pa ako na binantaan ng pulis na si Basmayor ang mga vendors na huwag basahin ang kolum ko kung sina Turing Sy at Alejandrotong ang mga bida, he-he-he! Hindi pala sports si Basmayor, di ba mga suki?

ALEJANDROTONG

ATIENZA

BASMAYOR

CHAIRMAN TURING SY

MANG TURING

MAYOR ATIENZA

RANDY SY

TURING

TURING SY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with