Ang 'estudyanteng' si Mayor Tsong Marquez
November 21, 2003 | 12:00am
BUO na ang bagyo na handang humambalos anumang araw sa pagitan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ni chairman Bayani Fernando at ang City Hall ni Parañaque Mayor Joey Tsong Marquez.
Sanhi ito ng pagpapahintulot ng Parañaque City Hall na manumbalik ang mga side walks vendors sa kanilang dating pinamumugaran, ang Baclaran.
Nakahanda namang sumagupa at humambalos muli ang MMDA ni Fernando laban sa binabalak na pagpapabalik ni Tsong sa vendors.
Matatandaan, marami ang mga mabubuwisit sa mga nagsisimba sa Redemptorist Church ng Baclaran sa nagkalat na vendors na nakapaligid sa simbahan. Ang napagbuntunan ng galit ng simbahan, ang MMDA chairman na si Fernando.
Kamakailan naging madugo ang mga isinagawang clearing operations ni Fernando laban sa mga illegal vendors sa nabanggit na lugar.
Isa si Mayor Tsong sa mga alkalde sa Metro Manila na pumirma sa isang resolusyon ng Metro Manila council na naglilinis sa mga illegal side walks at mga obstruction sa mga kalsada.
Nababasa ko na ang mga aksiyon nitong komedyanteng alkaldeng si Tsong. Masasabing kinukubli ni Tsong ang kanyang mga maiitim na balakin na buwisitin si Fernando nang sa gayun ay magkaroon sila ng hidwaan.
Oo nga naman, giyera sa pagitan ng isang kontrobersiyal na national figure tulad ni Fernando na posibleng madisgrasyat manalo sa pagka-bise presidente ng bansa laban sa isang alkaldeng nag-aasam na maging congressman.
Kapag pinatulan ni Fernando si Tsong, nakikinita ko nang "kumukuti-kutitap ang mga payasong mata ni Mayor Joey Marquez. Ito talaga ang gustong mangyari ni Tsong. Kilala ko ang pagiging alkalde ni Tsong. Mabilis matuto ang estudyanteng to. Para sa isang guro malaking karangalan habang nakikita niyang nagagamit ang kanyang mga naituro.
Ang naipamalas ng nasabing guro na hindi nakakalimutan ng estudyante si Tsong, ay ang salitang ito, when there is no issue, try to create one. You must be the center of the issue (print, radio and TV!) Declare war if need be, for as long as his rank is higher than yours.
Sige Tsong, ituloy mo. Tingnan natin kung papatulan ka nitong hari ng pink na urinolang panlalaki sa mga tabi ng kalsada.
Nakapagtataka ang mga urinolang ito. Wala akong makitang TULO ng tubig dahil walang mga gripo.
Sabi nga ng isang Batanggenyo, ala eh, ang galing ng madyik ni Fernando!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended