Infomercials, individual na pampapogi

PURO masamang balita ang bumabalot sa atin at ang imahe ng Pilipinas ay sirang-sira sa buong mundo, kasama na rito ang alam ng lahat na napakasamang peace and order situation sa bansa.

Kahit anong sabihin ng administrasyon ni Madam Senyora Donya Gloria at ni PNP Chief Hermogenes Ebdane, walang maniniwalang gumaganda ang sitwasyon sa atin kapag katahimikan ang pag-uusapan.

Araw-araw naririnig natin ang paglaganap ng patayan, nakawan, holdapan,  didalan at kurakutan sa lahat halos ng antas ng ating lipunan.

Ang pinakahuli rito ay ang pagpaslang kay Betty Sy, isang executive ng Coca Cola na dinukot ng mga armadong lalaki noong Lunes ng umaga sa Quezon City at ang kanyang bangkay ay tinapon na lang sa Parañaque.

Ayon kay Teresita Ang-See, pinuno ng Citizen Action Against Crime, ang kaso ng kidnapping ay naging arawan na.  Ganyan din ang sinasabi ng ibang grupo ng negosyante na naaalarma sa walang tigil na pagtaas ng krimen, lalo na ng kidnapping sa bansa.

Ultimo ang ambassador ng Japan ay nagsabing may gabing hindi siya makatulog dahil sa taas ng insidente ng krimen sa Pilipinas.  Lubha siyang kinakabahan na may kababayan siyang mabiktima rito sa atin.

Ang laging sagot ng mga nasa kapangyarihan sa pamumuno ni Madam Senyora Donya Gloria ay bibigyan ng deadline ang miyembro ng kapulisan na hanapin ang suspect.  Deadline ito na lista sa tubig,  hindi nareresolba, gaya ng pagpaslang sa artistang si Nida Blanca.

Malinaw na kapalpakan ng prosecution kasama na ni NBI Director Wycoco.  Hawak na nila ang principal suspect na si Rod Strunk pero pinatakas pa nila.  Sinundan pa ng pagbibigay ng mga palpak na ebidensiya sa US court kaya hindi tuloy pinayagan ang pag-extradite sa mastermind.

Palala nang palala ang sitwasyon at kesa gawan ng paraan, nagbubulag-bulagan at ang magiging sagot ay mga pagtatakip sa pamamagitan ng mga press releases at iba pang uri ng publicity promotions kung saan milyong milyong piso ang  kanilang ginugugol.

Mula sa mga taga Department of Tourism hanggang sa Department of Interior and Local Government, pati na National Bureau of Investigation ay kung anu-anong anunsyo ang nilalabas nila para palabasing maayos at tahimik ang Pilipinas.

Andyan din ang mga ads o infomercials na nagkakahalaga ng milyon at binabayaran ng sambayanan kung saan nagpapapogi ang ilang miyembro ng Gabinete at matataas na opisyal na ang tunay na hangarin ay tumakbo sa darating na eleksiyon.

Ilan sa mga may infomercial ay sina Mar Roxas ng Department of Trade and Industry, Health Secretary Manuel Dayrit, Interior and Local Government Secretary Joey Lina, Ambassador at large for counter terrorism Angelo Reyes, MMDA Chairman Bayani Fernando, Tourism Secretary Richard Gordon, NBI Director Wycoco at pati si PNP Chief Hermogenes Ebdane.

Pinalalabas na ginagawa nila ito upang ma-promote ang bansa at ang kani-kanilang opisina.  Ang akala nila ay ganoon kadaling bolahin ang sambayanan, hindi ba nila alam na ang mga ganoong pakulo ay lalo lang kinabubuwisitan ng mamamayan.

Ang nararapat ho ninyong gawin ay kilos, aksyon, gawa at hindi puro pagpapagandang lalaki.  Yan ang gusto ng sambayanan ang makapaglakad sa gabi ng hindi nag-aalalang holdapin o di kaya’y saksakin ng walang dahilan ng mga addict.

Akala n’yo ba malillinlang pa ang sambayanan, pero subukan pa rin nating alamin at ating tanungin ang ating mga mambabasa, gaganda ba ang imahe ng ating bansa sa mga infomercial na kinalalabasan ng mga nabanggit na mga opisyal ni Madam Senyora Donya Gloria?  Padala n’yo ho ang inyong opinion sa 092726543431.
* * *
Tungkol naman sa katanungan natin kung saan mas nagtitiwala ang sambayanan, kung sa media o administrasyon ni Madam Gloria, halos lahat ho nang nag-text ay sa media naniniwala, meron lang hong ibang nagsasabi na meron din mga tiwaling miyembro ng media. Totoo ho ito, nguni’t natitiyak ho natin na hindi kasing talamak ng nasa gobyerno ni Madam Gloria. 
* * *
Mas tiwala sa miyembro ng media! Opisyal ng gobyerno? No! –393394814379; Mabuti na lang na may media tayo na totoo na nakakasagabal sa kanilang kurakutan, kundi wala nang pipigil sa mga alipores ni Don Jose Pidal at disinformation advisers and  secretaries ni Madam Gloria. –09183538585.

Kng ako ms my  twala ako s media, kc pg media ang bumanat natataranta cla. –09203110162; Ako sa  media ako  nagtitiwala. –09166258433; Not all reports from media r credible! Its just an ordnary  hearsay insnuate by influential plticial kung saan cla nagkkapera, doon  cla. –09167138528; D dapat magtwala s gbyerno, lalo n  sa babae may mlki nunal s pisngi, mas bgay s knya artista, ang cute nya pag  tumatawa. –09205425460.

Ako ay  mas nani2wala s miyembro ng media. –09195931518; Syempre  s  media  kc ang  media  pwag tma lmang ang ibinbalita sa patuloy  na kurakot, mtagal na kaming wla twala sa gobyerno. –09273023860; Para s akin s media k tlga mgttwala kc bka knng s mga pnp o mlttar bka kw p ang ikulong ng mga iyn lluna kung issmbong m ay mga kbro nla. –09274297569;

Pag pptsugn  na emplydo pwd yn sa govtt pro pag mttaas na sa media kana lumapit pra cgurado. –09272584058; Mas may tiwala kami sa media lalo kay gan Arnold Clavio kaya  kalusin na ang gobyerno arroyo curap. –09202127816.

May tiwala po ako sa mga miyembro ng media. –09263033187; Wla dpat pgkatwalaan, media o gobyerno, dhil pg nsuhulan pera, wl na. –09165497672;  Wla nkong ktiwatiwala sa gobyerno. Lalo na c senora Gloria ang nkaupo wl cyang awa sa mhhirap. –09273928547.
* * *
Para sa anumang reaksyon, mag-e-mail lang sa nixonkua@yahoo.com o kaya’y mag-text sa 09272654341. Mapapakinggan  n’yo rin ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon tuwing Lunes at Miyerkules.

Show comments