Patuloy ang pagkilos ng Task Force na nabanggit na kinabibilangan ng ibat ibang ahensya ng pamahalaan gaya ng Housing and Urban and Development Coordinating Council, Department of Justice, Presidential Commission for the Urban Poor, Department of the Interior and Local Government, Department of Environment and Natural Resources, Philippine National Police, National Anti-Poverty Commission, National Bureau of Investigation, Land Registration Authority at Office of the Solicitor General upang matukoy ang ibat ibang sindikato na nanloloko sa ating mga kababayan.
Sa kasalukuyan, patuloy ang pag-iimbestiga sa napapaulat na mga operasyon ng squatting syndicates sa North Fairview, Cavite, BCDA property (Makati at Taguig) at Pasig.
Humihingi kami ng tulong sa publiko upang mabigyan nyo kami ng impormasyon tungkol sa mga gawain at operasyon ng mga sindikatong nagsasamantala sa kawalan ng kaalaman ng mga kababayan natin upang kumita ng limpak-limpak na pera. Hindi biro ang mga panlolokong isinasagawa ng mga sindikatong ito dahil sa laki ng mga halagang kinukubra nila sa kanilang mga biktima at sa lawak ng mga lupaing kanilang binebenta na base sa mga pekeng titulo.