^

PSN Opinyon

Kumusta na ang 'lifestyle check'

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
MARAMI ang nakapuna na ang dating masugid at pursigidong kampanya sa marangyang pamumuhay ng mga taong gobyerno ay bigla yatang lumamig. May nagsabi tuloy na ang "lifestyle check" gaya ng iba pang kampanya ay ningas-kugon lang. Sa puntong ito ay nanawagan ang BANTAY KAPWA sa mga kinauukulan na huwag ipagwalambahala ang naturang pagsisiyasat sa mga tiwaling opisyal at kawani ng pamahalaan. Dapat na pakaisipin na "public office is public trust". Dapat bigyan-diin ang RA 6713 na pinagtibay noong 1989 ng Kongreso tungkol sa Code of Conduct and Ethical Standard of Government Officials and Employees.

Ang moral crusade ng pamahalaang Arroyo ay dapat na bigyan ng ngipin. Ilang impormante ng BANTAY KAPWA ang nag-ulat na ang pagbabawal sa mga taong gobyerno lalo na ang mga pulis na maglalagi sa mga night club, sabungan, casino at iba pa ay sa umpisa lang epektibong inimplement pero sa pagdaan ng mga araw ay balik sa dating gawi.

Bukod sa Office of the Ombudsman, Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP), ang mga reklamo at sumbong sa mga tiwaling taong gobyerno ay idulog sa Presidential Anti-Graft Commission na nasa Commonwealth Avenue, Quezon City. Ayon kay PAGSI Chairman Dario Rama, 24 oras na bukas ang kanilang hotline na 9241311.

CHAIRMAN DARIO RAMA

CODE OF CONDUCT AND ETHICAL STANDARD OF GOVERNMENT OFFICIALS AND EMPLOYEES

COMMONWEALTH AVENUE

DAPAT

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PRESIDENTIAL ANTI-GRAFT COMMISSION

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with