^

PSN Opinyon

Mga nanakaw na laptop computer sa loob ng Richmond Hotel, Ortigas

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
SA pamunuan ng RICHMOND HOTEL, Ortigas Center Pasig City, kung kaya lusutan ng ‘‘salisi gang’’ ang iyong function room, ano pa sa mga kuwarto niyo ang puwedeng tirahin?

Hudyat na itong suriin n’yo ng maigi ang security ng inyong hotel at ang sistema sa pangangalaga ng mga kagamitan sa mga umupa ng inyong function room.

Nitong nakaraang linggo, nanakaw ang mga laptop computers ng isang kumpanyang nagsagawa ng seminar sa isa inyong mga banquet room.

Napag-alaman ng kolum na ’to, iniwan pa daw ang kuwarto sa nakatalagang waiter na nagsi-serve sa nasabing function room ‘nung lunch break.

Laking gulat na lang nung mga nagpa-seminar na pagbalik nila galing lunch ang makitang nag-disappear na ang mga iniwan nilang laptop computers.

Ang nasabing nakawan naipagbigay ay alam ng pamunuan ng Richmond Hotel at agad namang inireport ang insidente sa Pasig Police.

May pananagutan dito ang Richmond Hotel. Kung pagbabasehan natin ang sumbong na iniwan naman pala ang kuwarto sa waiter na nag-aasikaso.

Ano ang ginagawa ng mga security ng hotel ’nung mga oras na ’yon ’nung nasa lunch break ang mga nagsi-seminar?

Hindi magandang isipin at sabihin na ‘‘inside job’’ ang pangyayaring ito. Hindi ganun kadali ilabas ang mga laptop computer sa nasabing banquet room kung may waiter na nakabantay.

Maliban na lang kung ayaw tumingin ng diretso ang nagbabantay na waiter ganun din ang security ng nasabing hotel sa mga taong bitbit na ang mga laptop na dinekwat mula sa banquet room.
* * *
Para sa mga TIPS, COMPLAINTS, FEEDBACK, i-text at i-send sa Globe/Touch Mobile sa 2333 or 334 sa Smart/Talkntext subscribers.

Para sa TIPS type

BITAG<space>TIPS<space> (message)


COMPLAINTS type BITAG<space> COMPLAINTS <space> (message)

FEEDBACK type

BITAG<space>FB <space>(message)


O tumawag sa telepono 932-5310/932-8919. Makinig sa DZME 1530 kHZ, Lunes hanggang Biyernes, 9:00-10:00 ng umaga. Panoorin ang "BITAG" tuwing Sabado, 5:00-5:30 ng hapon, ABC-5.

E-mail us: [email protected]

vuukle comment

ANO

BIYERNES

HOTEL

HUDYAT

ORTIGAS CENTER PASIG CITY

PASIG POLICE

RICHMOND HOTEL

TOUCH MOBILE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with