Ilang tulog na lang at wala nang maghihirap sa Bulacan
November 16, 2003 | 12:00am
TINULIGSA ng Kilusang Mambubukid ng Pilipinas (KMP) itong si Calumpit, Bulacan Mayor Ramon Pagdanganan bunga sa walang habag nitong pag-convert ng mahigit 100 hektarya ng agricultural lands sa residential subdivision sa kanyang bayan. Ayon kay Rafael Mariano, KMP chairman mas inuuna pa ni Pagdanganan ang kapakanan ng Sta. Lucia at Rocka Estates developers keysa sa kanilang mga magsasaka. At lalong napabilis ang conversion ng kanilang mga lupain mula nang maupo ang kapatid ni Pagdanganan na si dating Gov. Roberto Pagdanganan bilang Agrarian Reform Secretary, he-he-he! Ano pa ba ang pagbabago sa sistema nitong gobyerno ni Presidente Arroyo?
At habang inuulan naman ng batikos ang magkapatid na Pagdanganan, panay papuri naman ang inaani ni Bulacan Gov. Josie dela Cruz. Ang Bulacan kasi, sa pamumuno ni dela Cruz, ang nagkamit ng karangalang kauna-unahang probinsiya sa Pilipinas na matagumpay na binawasan ang bilang ng mahirap na pamilya sa kanyang nasasakupan. Sa kanyang presentation na 5th Forum on Reinventing Government sa Mexico City, masayang inireport ni dela Cruz ang kanyang accomplishment na ipinangako niyang isusulong pa niya ito sa susunod na mga taon. Sinabi ni dela Cruz na sa buong bansa, bahagyang 28.4 ang bilang ng mahirap na pamilya mula sa 28.1 percent noong 1997 hanggang 28.4 percent sa taong 2000. Pero sa Bulacan, taliwas ang nangyari dahil bumaba ito mula 8.3 percent hanggang sa 5.4 percent sa nasabi ring period.
Sa Bulacan kasi, ang pamilya ay masabi nating mahirap kapag kumikita lamang ng P13,881 sa isang taon o P39 kada araw. Karamihan pinagkakasya na lamang ang naturang halaga ng isang pamilya na may limang miyembro para tustusan ang kanilang basic needs tulad ng pagkain, bahay, mga damit at edukasyon. Nag-umpisa ang pagbaba ng poverty rate ng Bulacan noong 1991 kung saan nakapagtala itong 18 pamilyang mahihirap sa 100 pamilya. Pero sa ilalim ng liderato ni dela Cruz, bumaba ito sa record na limang pamilyang mahihirap lamang noong 2000, he-he-he! Ilang tulog na lang at wala nang mahihirap diyan sa Bulacan, di ba mga suki?
Kung mataas ang tiwala ng Bulakenyo kay Dela Cruz, taliwas umano ito sa Pagdanganan brothers kung sina Mariano at David Erro, executive director ng peasant group na Sentro para sa Tunay na Repormang Agraryo Foundation Inc. ang tatanungin. Ayon kay Erro, si Mayor Pagdanganan mismo ang kumukumbinsi sa mga magsasaka na umalis na sa kanilang lupain to give way para sa mga subdivision. Gumagamit pa umano ng lokal na pulis itong si Mayor Pagdanganan kontra sa matitigas na ulong magsasaka na ayaw pumayag sa kanyang plano. Kung sabagay, malapit ng mahusgahan ng mga Bulakenyo itong magkapatid na Pagdanganan, di ba mga suki?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended