^

PSN Opinyon

Bronchitis

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
MAY dalawang uri ang bronchitis – chronic at acute. Ang chronic ay pinaka-karaniwan at ang dahilan ng pagkakaroon nito ay ang paninigarilyo. Kapag tumigil sa paninigarilyo at nagkaroon nang mahusay na diet, naiiwasan ang bronchitis. Ang pagkakaroon ng chronic bronchitis ay nauulit taun-taon. Ang mga sintomas ay ang madalas na pag-ubo na may kasamang plema.

Ang acute ay karaniwan nang secondary infection. Ang bacteria ay sumasalakay kapag ang pasyente ay mahina ang katawan dahil may sipon o trangkaso. Karaniwan nang nagiging biktima ng acute bronchitis ang mga may asthma, may problema sa baga, matatanda at mga bata at mga naninigarilyo. Ang sintomas ng acute bronchitis ay madalas na pag-ubo, paghingang may huni (wheezing) at masikip na paghinga, pagkakaroon ng plemang kulay berde at dilaw. Kapag hindi nagamot, ang kauuwian nito ay pneumonia.

Ang mahusay na diet na magpapalakas sa katawan ang mabisang panlaban sa bronchitis. Ang pag-take nang regular ng Vitamins A at C ganoon din ang Zinc ay kailangan para sa mahusay na functioning ng immune system. Ang carrots, spinach, leeks, spring onions at melons ay nagbibigay nang maraming beta-carotene at nakatutulong din sa kondisyon ng lungs. Ang kapirasong atay minsan isang linggo ay mahusay sapagkat mayaman ito sa Vitamin A. Ang sariwang prutas at gulay ay mayaman sa Vitamin C. Ang shellfish at lean beef ay nagsu-supply ng Zinc. Sinasabi namang ang oily fish ay may anti-inflammatory effect sa baga.

Ipinapayong iwasan ang mamantika at matatamis na pagkain sapagkat nadi-displace ng mga ito ang mga masusustansiyang pagkain na may micronutrients na kailangan ng immune system. Ang sobrang pag-inom ng alak at coffee ay dapat bawasan sapagkat pinipigil nito ang immune system para linisin ang toxins sa dugo

Ang immune system ay maaaring mapinsala sa pamamagitan ng exposure sa heavy metals na kinabibilangan ng lead at calcium. Dahil dito, ipinapayong iwasan ang mga pagkaing nabibili sa mga lugar na infected ng traffic pollution. Ang mga pagkain na may mataas sa cadmium ay kinabibilangan ng commercially produced mushrooms at shellfish kung saan nakuha sa tubig na exposed sa industrial pollution.

BRONCHITIS

DAHIL

IPINAPAYONG

KAPAG

KARANIWAN

SINASABI

VITAMIN A

VITAMIN C

VITAMINS A

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with