Proyekto para sa mga street children
November 16, 2003 | 12:00am
KAKAIBANG gimik ang inilunsad ng Millicent Foundation at Rotary Club of Parañaque, Metro Manila sa hangad nilang makalikom ng karagdagang pondo para sa mga proyekto nila sa mga batang lansangan, maysakit at biktima ng pang-aabuso. Sa pamumuno ni actress-social worker Marissa del Mar, nagsagwa sila ng Dance for a cause kamakailan sa Grand Ballroom ng Dusit Hotel sa Makati City na dinaluhan ng mga tao sa ibat ibang sektor ng lipunan.
Bago magballroom dancing ay nagpalabas ng mga film clips ng mga outreach programs nina Marissa sa mga batang may hydrocephalus, mga malnourished, mga bingot, may glucoma at iba pang karamdaman. Ang benefit dinner-dance ay isa lamang sa mga proyekto sa taong ito ng public service foundation nila Marissa del Mar na siya ring host ng TV show UPCLOSE and PERSONAL sa IBC-13 tuwing Martes, 11 p.m.
Si Senator Robert Barbers ay ilan sa mga dumalo sa okasyon. Naroon din si dating Senator Rene Saguisag na mahusay sumayaw; si Dr. James Dy ng Phil. Chinese Chamber Hospital; Gov. Jose L. Cortez ng Rotary International District 3830; Ms. Natalia Casibang, presidente ng RC Parañaque; Justice Presbeterio Velasco Jr., Architect Nestor Mangio ng Lakeshore Estate-Pampanga; Noel at Eileen Gonzales ng Muebles Italiana; Mr. & Mrs. Jovencio Torres, Delia at Jun Dalaygon, mga kawani ng Brittanny Sidney ni Liza Schneider Realty, DOT Sec. Leandro Mendoza, DAR Sec. Roberto Pagdanganan, Housing Sec. Michael Defensor at marami pang socio-civic minded citizens na nakiisa sa tagumpay ng proyektong ito na pangkawanggawa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest