^

PSN Opinyon

Nobya hindi sumipot sa araw ng kasal

SERGIOSOHAN - SERGIOSOHAN Ni Sergio F. Apostol -
Matagal ko nang minamahal si Rica ngunit may boyfriend na siya noon. Nakahanap lang ako ng pagkakataong ligawan siya nang magkahiwalay sila ng kanyang boyfriend. Umasa rin akong may patutunguhan ang aking pagtitiyaga dahil sabi naman niya, maghintay-hintay lang daw ako.

Sinagot ako ni Rica after a year. Nang inakala kong panahon na, niyaya ko siyang magpakasal. Pumayag naman siya kaya agad kaming nagplano.

Nang dumating na ang araw ng kasal namin, nauna akong dumating sa simbahan kaysa kay Rica. Hindi naman ako nag-alala dahil inisip kong baka natatagalan siya sa pagpapaganda. Ngunit ilang minuto bago dumating ang oras ng kasal, dumating ang bridal car na dapat na maghahatid kay Rica sa simbahan. Si Mang Tony, ang tatay ni Rica ang tanging sakay ng kotse. Lumapit siya sa akin upang ibigay ang sulat ni Rica. Ayon sa sulat, nakipagtanan sa dati n’yang boyfriend. Humihingi siya ng paumanhin dahil kahit pilitin niya ang kanyang sarili, talagang hindi raw niya ako kayang mahalin bilang asawa. Kaya mabuti na lang daw na hindi matuloy ang kasal kaysa magsisi pa kaming dalawa.

Matinding galit ang naramdaman ko nang panahong ‘yon. Malaking kahihiyan ang idinulot niya sa akin matapos ang lahat ng ginawa at binigay ko sa kanya. Maaari ko bang idemanda si Rica dahil sa ginawa sa akin?

–Romeo Espiritu, Las PiñAs


MAAARI mong idemanda si Rica dahil ang kanyang ginawa ay paglabag sa Article 21 ng New Civil Code. Ayon dito: "Any person who willfully causes loss or injury to another in a manner that is contrary to morals, good customs or public policy shall compensate the latter for the damages."

Ordinarily, a mere breach of promise to marry is not an actionable wrongdoing. But to formally set a wedding and go through all the necessary preparations and publicity, only to walk out on it on the wedding day itself is obviously and unjustifiably against good customs. Hence, Rica should be made liable for the damages that you have suffered. Kung nagdadalawang-isip s’ya na pakasalan ka, hindi ka na n’ya dapat pang pinaasa at hinayaang paghandaan ang kasal n’yo. Dapat ay agad na n’ya itong ipinaalam sa ‘yo. Aside from the actual da-mages representing the cost that you incurred from the wedding preparation, you are also entitled to collect moral damages against Rica for the wounded feelings, social humiliation and anxiety that she had caused you for walking out on you on your wedding day.

AYON

DAPAT

HUMIHINGI

KAYA

LAS PI

NANG

NEW CIVIL CODE

RICA

ROMEO ESPIRITU

SI MANG TONY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with