Matindi ang monitoring ng Anti-Smuggling Group ng Palasyo sa Batangas dahil tinitiktikan nila ang galaw ni Egay Lanzones.
Malikot sa aparato si Egay Lanzones oras na malingat ka katakut-takot na illegal ang papasok sa kanyang lugar.
May special assignment si Egay Lanzones sa Batangas.
Malalim ito, hindi biro.
Malaking pera ang kinulimbat ng grupo niya na dapat sana sa gobyerno mapunta.
Ika nga, kinakangkong ang buwis sa gobyerno.
Kasama ni Egay Lanzones si Michelle de luka-luka sa kanyang operasyon.
Ang grupo nila ang nagmamaniobra ng lahat ng mga illegal transaction sa Batangas.
Customs Commissioner Antonio Bernardo, Your Honor, take note!
"Sino ang padrino ni Egay Lanzones sa Bureau?" anang kuwagong urot.
"Ang grupo raw ni Bogart," sagot ng kuwagong haliparot.
"Sino siya?"
"Siya ang kamag-anak ng isang kamoteng politician," sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Ano ang dapat gawin kay Egay Lanzones?"
"Marami nga ang nagtataka kung bakit hindi pa ito sinisibak ni Bernardo."
"Bakit ayaw aksyunan?"
"Sabi ko nga may malaking pitsang involved."
"Kaya pala marami ang nakikinabang."
"Tumpak ka, kamote!"