Rosebud laban sa ilegal drugs
November 12, 2003 | 12:00am
ANG radyo ang sinasabing pinaka-epektibo na medium of communication. May mga lugar pa kasi sa Pilipinas ang hanggang sa ngayon ay wala pang kuryente at dahil sa napakalayo at liblib na pook kaya walang diyaryo na mabili at mabasa. Kahit walang kuryente ay uso na ang radyong de-baterya. Bukod sa nakalilibang, ang radyo ay nakapagtuturo rin, nakapagpaparating ng pinakasariwang balita at impormasyon at serbisyo publiko.
Sa hangaring mas napalawak ang kampanya laban sa mga bawal na gamot kaya naisipan ng crusader na si Mary Ong na mas kilala bilang Rosebud na pumalaot na rin sa broadcasting. Ang kanyang programang RAID na sumasagisag sa Rosebud Against Illegal Drugs ay sumasahimpapawid sa DWDD, Armed Forces Radio, 1130 khz mula ala-6:00 a.m. hanggang 8:00 a.m., Lunes hanggang Biyernes.
Very timely ang programa ni Rosebud na nakikipagtulungan sa ibat ibang ahensiya ng gobyerno at pribadong samahan sa kampanya laban sa droga. Maagang aksyon ang naiaambag ng kanyang radio program gaya nang pagbabalita ng raid sa bahay ng isang drug trafficker sa Forbes Park at sa pagkakalansag ng sindikato ng droga sa Hermosa, Tondo, Maynila. Madaling nakakapanayam ni Rosebud ang mga awtoridad na nagsasagawa ng raid at iba pang operasyon.
Kapag on the air na si Rosebud ay naka-monitor sa kanya ang mga field reporters na nag-uulat ng pinakahuling balita. Nakasisiya ang feedback at audience participation ng programa ni Rosebud na hinihimay ang pinakaugat ng drug trafficking gayundin ang pagbubunyag ng mga katiwalian kabilang na ang narcopolitics na balitang namamayagpag na naman dahil sa nalalapit na halalan.
Ang BANTAY KAPWA ay tauspusong bumabati kay Rosebud at sa mga kasamahan niya sa RAID." Keep up the good work!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest