Pati si Ka Roger hiningi ang ulo ni Lina
November 12, 2003 | 12:00am
KAPAG itinuloy ni Presidente Arroyo ang balak niyang balasahin ang kanyang Gabinete, sanay pagbigyan niya ang kahilingan ng sambayanan na ang unang tigbakin ay si Interior Secretary Joey Lina. Napakinggan kasi natin ang pulso ng bayan sa programa ng kasama nating si Ely Saludar sa RMN radio network noong Linggo at halos lahat ng tumawag sa listeners portion, kabilang na ang spokesman ng New Peoples Army (NPA) na si Gregorio Ka Roger Rosal ay hinihingi ang ulo ni Lina. Dalawa kasi ang tanong ni Ka Ely sa kanyang mga suki kung overkill nga ba ang ginawang pag-neutralize ng SWAT kina Col. Panfilo Villaruel Jr. at LtSGD Richard Cachillar at ukol sa plano nga ni GMA na i-reshuffle ang kanyang Gabinete. At kung itong kasagutan ng sambayanan ang gagawing basehan, tutulo ang uhog ni Lina sa darating na May elections, he-he-he! Mukhang walang tiwala sa yo ang sambayanan sa ngayon, Secretary Lina Sir!
Nakatanim pala sa isipan ng sambayanan ang pangako ni Lina na pupuksain niya ang jueteng sa loob ng isang taon, he-he-he! Talon taon na ang nakalilipas pero andiyan pa rin ang jueteng at mukhang mauuna pang masisibak si Lina kaysa isulong ang pangako nga niya. Kung sabagay, dapat hindi na maghinayang si GMA na tigbakin si Lina dahil panay papogi lang siya at wala naman itong naitulong sa gobyerno niya. Dahil sa hindi niya pagtupad sa pangako niyang magre-resign kapag hindi niya mapatigil ang jueteng sa isang taon, aba natural lang na hindi na rin paniniwalaan ng sambayanan ang lahat ng sinasabi pa ni Secretary Lina, di ba mga suki? Kayat kahit natamaan na si San Pedro ng laway ni Lina sa langit sa kasisigaw niya ukol sa kampanya niya sa jueteng, droga at iba pa, eh hindi na siya pinapakinggan ng sambayanan at pulisya. Mukhang hindi na makayanang kumbinsihin ni Lina ang mga botante kahit panay papogi niya sa diyaryo at TV para isulong nga ang kandidatura niya sa darating na halalan. Buti nga sa kanya, yan ay ayon sa mga pulis na nakausap ko.
Ayon pa sa mga tumawag kay Ka Ely, imbes na mabawasan ang jueteng sa bansa eh lalong lumaganap ito sa ilalim ng liderato ni Lina. At mukhang si Lina lang ang hindi nakaalam na patuloy pa rin ang jueteng lalo na sa probinsiya ni GMA sa Pampanga. Alam kaya ito ni Atty. Morga? Ayon pa sa mga tumawag, imbes na ang jueteng ang mabuwag, ang Task Force Jericho na operating arm ni Lina ang nabuwag, he-he-he! Kabaligtaran ang nangyari, di ba mga suki?
May katwiran ang mga tumawag dahil sa Maynila lang ay laganap ng muli ang mga pasugalan tulad ng jueteng, video karera at bookies ng karera. Namamayagpag pa rin ang mga gambling lords tulad ni Randy Sy, Arnold Ajesta, Buboy Go, Boy Abang at sekretarya niyang si Lorna, Apeng Sy, Tom Pulis, Andoy dela Cruz, Sancho at Neri, Estrella at Rodriguez at iba pa. Tatlong taon na rin nating hinahamon si Lina na unahin niyang ipasara ang pasugalan sa Maynila para paniwalaan siya ng sambayanan na seryoso siya pero ni hindi kumilos ang WPD para sundin siya? Panay press release lang pala si Secretary Lina at malapit na siyang huhusgahan, anang mga pulis. Abangan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest