MODUS: TV commercial model kuno!
November 10, 2003 | 12:00am
LAYUNIN kong mailantad sa publiko ang ganitong modus nang huwag mabiktima. Gumagala ang mga utak na nasa likod ng modus na to sa mga malalayong probinsiya.
Bago isinasagawa ng mga manggagantsong ito ang kanilang modus, napag-aralan na nila ang kanilang target. Partikular na ang mga katauhan ng kanilang bibiktimahin.
Hindi basta-basta dumadayo ang mga ito sa lugar na kanilang patutunguhan. Kalimitan gumagamit pa ito ng mga "tulay". Ito yung mga taong naninirahan mismo sa nasabing kumunidad.
Lingid sa kaalaman ng kanilang "tulay" na sila palay kinakasangkapan lang ng mga sindikatong ito.
Ang modus na to ay nang-aakit ng mga magulang na ang pangarap ay maging commercial model sa telebisyon ang kanilang anak.
Nakakaawa ang biktima sa pag-aakalang magandang "break" ito para sa kanilang anak. Yon palay hulog na sila sa BITAG ng mga manggagantso.
Tandaan, ang malimit kong sinasabing, maging paladuda sa lahat ng oras. Ang mga taong paladuda ay kalimitan iniiwasan ng mga taong manggagantso dahil ayaw ng mga manloloko ang mga taong mabusisi. Higit sa lahat ang pinagdududahan ang kanilang katarantaduhan.
Mr. Ben Tulfo,
Isa po akong seaman. Alam kong kayo lang ang makaka- tulong sa aming problema.
Ang aking misis ay isang teacher sa aming bayan sa Mariveles, Bataan. Actually ang involve talaga dito ay ang misis ko at ang kanyang co-teacher.
Ito po ang aking maikling salaysay. Yun pong co-teacher ni misis ay may kaibigan na nagpakilalang isang recruiter ng mga talent. Sa madaling salita ay nag hahanap ng mga modelo para sa isang commercial sa telebisyon.
Sa bahay ko po ginawa ang audition. That time ay wala po ako dahil nakasakay ako nun sa barko. May mga napili na po sila at napasama ang aking isang anak.
Okey lang po sa akin dahil ang alam ko ay wala kaming ilalabas na pera bagkus kami pa ang magkaka-pera. Noong una ay hindi sinabi ng asawa ko na nagbigay sila ng pera.
Ngunit nalaman ko na lang nung umuwi ako. Nalaman ko na lang na kapag- bigay na pala sila ng pera. Maging ang co-teacher ng misis ko ay nagbigay na rin ng pera sa recruiter na si Mr. ED ARCA (may paniwala ako na alyas lang ang pangalang ito).
Si ED ARCA ay may koneksyon daw sa CONCEPCION INDUSTRIES. Kulang isang MILYON na ang naibigay nilang pera. Nagbigay na siya ng date kung kelan ang alis papuntang THAILAND ng mga napili raw na mga talents. Dahil doon daw kukunan ng eksena ang nasabing gagawing T. V. commercial.
Lumipas na ang time na binigay niyang petsa, pero walang nangyari. Tumawag siya at sinabing nagkaroon daw ng problema. Nanghingi na naman siya ng pera dahil may kailangan pa raw bayaran.
Pakiramdam ko po sa taong ito ay isang manloloko. Nagkabaon- baon na po kami sa utang. Kung maaari po sana ay matulungan niyo kami. Maraming salamat po.
Lubos na umaasa,
Anonymous father
Mariveles, Bataan

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended