^

PSN Opinyon

Susuko na bakit dinedo pa?

- Al G. Pedroche -
IYAN ang malaking tanong ngayon kaugnay ng pagkakapatay ng mga awtoridad sa isang "Don Quixote" na sa kanyang "mission impossible" na baguhin ang itinuturing niyang bulok na sistema sa gobyerno ay tinake-over ang control tower ng terminal 2 ng NAIA.

Dinig na dinig sa isang naudlot na remote interview sa GMA-7 ang mga katagang binitiwan ni retired Colonel Panfilo Villaruel na "surrender" na siya nang masalikupan ng mga elemento ng Aviation Security. Gayunma’y umalingawngaw ang mga putok ng baril na ikinasawi ni Villaruel. Narinig pa on the air sa panayam ni Arnold Clavio ang hagok ng huling hininga ni Villaruel. Sinasabing nagkaroon ng shootout, kaya napilitan ang mga rumerespondeng awtoridad na iligpit si Villaruel.

Bakit hindi na binuhay pa si Villaruel at ang alalay na si Lt. Ricardo Cachillar? Hindi na ba pinapahalagahan ng gobyerno ang testimonyang makukuha sa kanya para malaman kung may isang grand plan para pabagsakin ang administrasyon? Kung siya’y binuhay, malamang nakilala ng pamahalaan ang utak ng planong ito.

May mabuting reputasyon si Villaruel na dating hepe ng Air Transportation Office. Magaling makisama at ayon nga sa NAIA reporter natin na si Butch Quejada ay mahal ng mga mamamahayag. "Darling of the press" ang tawag sa kanya ni Butch.

Ngunit tulad ng ipinagsisigawan ng grupong Magdalo nang sakupin ang isang Oakwood Hotel sa Makati, ang katuwiran ni Villaruel kung bakit inagaw ang NAIA tower ay dahil sa mga kalabisan at katiwaliang nangyayari sa gobyerno. Dating aide ni ex-President Fidel Ramos si Villaruel at balita ko’y kaibigan din ng aking kapatid sa pananampalataya na si (ret. general) Bro. Honesto Isleta.

Nasawi man si Villaruel na isang "Don Quixote" na sumusuntok sa buwan, sana’y nakapaghatid siya ng mensahe sa administrasyon tungo sa pagpapatupad ng mga kinakailangang reporma sa pamahalaan sa kapakanan ng mga nagdurusang taumbayan.

vuukle comment

AIR TRANSPORTATION OFFICE

ARNOLD CLAVIO

AVIATION SECURITY

BUTCH QUEJADA

COLONEL PANFILO VILLARUEL

DON QUIXOTE

HONESTO ISLETA

VILLARUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with