Kahit abot langit na nga ang nagawa niya sa Bulacan, eh hindi pa rin nagpapahinga si De la Cruz. Tumulak siya sa Mexico nitong linggong ito para isulong pa ang pagiging modelo ng Bulacan sa e-governance kasi malaki ang paniwala niya sa importansiya ng information technology para sa ikaunlad ng lugar niya. Sa totoo lang, umaabot na sa 33 probinsiya sa 18 bansa ang dumalaw sa Bulacan para tunghayan ang sistemang pinapairal nila sa IT program. Magsasalita rin si De la Cruz sa 5th Global Forum on Reinventing Government sa Mexico kung saan idi-discuss din sa gaganaping forum ang anim na salient points on good governance tulad ng government that cost less; quality government; professional government; digital government; deregulated government at honest and transparent government. Sana maiuwi ni De la Cruz ang marami pang teknolohiya para sa ikaunlad pa ng Bulacan, di ba mga suki?
Inamin ni De la Cruz na ang computerization ng probinsiya ay ang isang critical step hindi lamang para sa transparency, efficiency at effectiveness ng administration niya kundi para na rin sa sustainability for various reforms. Sinisiguro lang ng gobernadora na ang lahat ng investment na pumapasok sa Bulacan ay para pampasaayos ng kabuhayan ng mga Bulakenyo. Nasa tamang landas si Gob, di ba mga suki? Gusto rin ni Dela Cruz na ipamahagi ito sa iba pang interesadong probinsiya pero sa kasunduan na kilalanin nilang ang Bulacan nga ang original source at may-ari ng softwares. O kayong mga taga-ibang planeta este taga-ibang probinsiya diyan, ano pa ang hinihintay nyo?
Kaya lang may casualty din pagdating dito sa IT program ng Bulacan. Mula kasi sa 1,810 empleyado eh naging 1,752 na lang noong sumunod na taon bunga sa ginawang major reorganization ni De la Cruz. May maapektuhan talaga subalit ang kainaman niyan yaong mga best and brightest and matitira. Ika nga tulad sa commercial sa TV, ang hirit ng taga-Bulacan sa ngayon kay De la Cruz ay: Isa pa nga!