Customs mafia (Part 2)
November 6, 2003 | 12:00am
PARA mawala ang kurapsiyon sa Bureau of Customs, kailangang putulin ang ulo ng mga pugita rito upang mawalan ng kamandag ang mga galamay nito.
Hindi lulusot ang kapritso ng mga sindikato sa bureau kung hindi binibigyan ng special treatment ng mga bugok sa customs ang mga gago.
May malaking ganansiya at pakinabang na tinatanggap ang mga bugok sa mga economic saboteurs sa BOC.
Tulad ni Lt. Polipoly, ang aso ni Ric Water, ang nagtutubig-tubig na leader ng mga sindikato sa Subic Customshouse.
Si Lt. Polipoly ay may conflict of interest porke ito ang taga-salya ng mga imported cars na ipinapasok ni Ric Water.
Paano nga naman magbabayad ng tamang buwis si Ric Water sa gobyerno kung may padrino itong bugok.
Siyempre bituka muna ni Lt. Polipoly ang uunahin bago ang gobyerno.
Ika nga, malaking pera ang involved kaya ganito ang sistema.
Sina Marites li-Bog, Noel Gulong ang mga players sa Port of Manila ng MICP, hindi nasasaling ang kanilang epektos kasi maganda ang panggastos ng mga animal.
Si Egay Lanzones ng Port of Batangas ay ganito rin ang gawain, siya mismo ang facilitator ng mga sindikato sa nasabing lugar, buti nga at nababantayan ito ng Anti-Smuggling Group ng Palasyo kaya hindi gaanong makaporma.
Si Nilo Raymunda, ang operator sa Clark Customshouse na mahilig magpuslit ng mga ibat ibang uri ng mga epektos ay hindi rin kayang sitahin kahit matindi ang trabaho porke may intelihensiya ang mga bugok sa kanya.
Si Blandy ang broker ni Raymunda.
Ang mga taong nabanggit ay kilalang-kilala sa bureau sa kanilang operasyon pero ano ang ginagawa ng customs dito?
Sumasaludo pa raw?
Pinababayaan lang sila kasi matindi ang mga padrino.
"Paano ang hindi naabutan?" tanong ng kuwagong Kotong cop.
"Ang ilan sa mga honest ay walang magawa dahil natatakot na ma-transfer sa kangkungan kung magpapa-bright-bright sila," sagot ng kuwagong urot.
"Hindi ba alam ni Customs Commissioner Antonio Bernardo ito?" tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Imposible, hindi ba?"
"Kaya nga nagkawindang-windang ang collection dahil nagpapabaya ang iba sa kanilang tungkulin."
"Ipaalam kay Prez Gloria para ito ang pumasyal sa bureau at amuyin ang alingasngas."
"Ano ang magandang gawin?"
"Si Prez Gloria ang kailangang manguna para putulin ang ulo ng mga pugita para matodas ang mga galamay dito."
"Diyan palagay ko tama ka, kamote."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended