Masahol pa sa cancer ang corruption sa bureau.
Nahihiya ang mga top brass officials kay Prez Gloria dahil bagsak ang revenue tax collection para sa gobyerno.
Wala silang magawa!
Dahil kasama sila:
Kaya gumimik sila para hindi magalit ang Palasyo ang style pina-hold ang halos lahat ng shipments na pumapasok sa Pinas.
Ika nga, pakitang gilas.
Kaya bayad ng additional ang mga importers/brokers ng P150,000 duties and taxes per container para sa government.
Kaya ok ito para sa government.
Hindi biro ang pinigil na shipments almost 500 vans ang minadyik.
Kaya may pumasok kahit paano sa government.
Kulangot kasi ang pumapasok sa gobyerno.
Kaya para hindi maalarma ang Palasyo gumimik ang mga bright.
Ang interes ng bulsa nila kasi ang inuuna bago ang taumbayan.
Matindi kasi ang lifestyle ng mga bugok sa bureau.
Sangkaterba ang mga kabit na babae, mga suot na alahas, mga imported luxury cars na gamit, mala-palasyong haybol at mga anak na nasa US of A.
Kaya nga gumawa sila ng style para huwag sila ma-double check sa lifestyle.
Ika nga, nag-protesta ang mga bugok.
Kapos ang kolum ng Chief Kuwago kaya sa susunod abangan natin ang kuwento tungkol kina Noel Gulong ng MICP, Lt. Polipoly, ang tuta ni Ric Water, ang nagtutubig-tubig na utak ng mga sindikato sa Subic Customshouse, Noel Tolentino at Egay Lanzones ng Port of Batangas.
Cancer ito sa bureau nagtataka tayo kung bakit masyadong spoiled ito kay Customs Commissioner Tony Bernardo, anang kuwagong SPO-10 sa Crame.
Busisiin natin ulit ito mga kamote.