Vendors sa Divisoria takot kina Sy at Alejandrotong
November 2, 2003 | 12:00am
MARAMI pala ang nakikinabang sa proyektong night market ni Manila Mayor Lito Atienza sa kahabaan ng Divisoria at tinitiyak ko ang mga maliliit na Pinoy vendors ang palaging naiiwang tulala dahil sa sobrang daming kinakaltas sa kanilang kinikita. Kaya dapat lang sigurong i-fine tune o busisiing maigi ni Mayor Atienza ang pamamalakad ng night market niya at siguruhin na ang salaping kinokolekta sa mga Pinoy vendors ay sa kaban ng siyudad mapupunta at hindi sa bulsa ng mga tiwaling pulis, barangay officials, mga hoodlum at mga taong gumagamit ng pangalan niya. Sa pagkaintinde ko, ang night market ay itinayo ni Mayor Atienza patterned doon sa ibang bansa tulad ng Hong Kong at Singapore, pero kung hindi niya pakikialaman ang takbo nito sa ngayon, mapupunta lang sa wala ang kanyang pinaghirapan. Hindi magiging mura ang mga itinitinda ng mga Pinoy vendors sa Divisoria kundi tataas ang presyo nila bunga sa sobrang dami ng mga namamantikaang nguso sa salaping kinokolekta sa kanila. Kaya imbes na masaya sila sa nalalapit na Kapaskuhan, panay hinaing ang maririnig mo sa mga Pinoy vendors natin dahil sagad na ang tong na inaawas sa kita nila.
Sa kasalukuyan, nag-aaway sina chairman Turing Sy at Franklyn Alejandro alyas Alejandrotong bunga sa sunud-sunod kong expose sa mga ilegal diyan sa Divisoria. Pilit nilang inaalam kung sino talaga ang nagbibigay ng detalye sa akin kasi takot silang ibagsak ni Mayor Atienza ang kanyang kanang kamay sa mga katiwalian nila. Sina Chairman Sy at Alejandrotong kasi ay kapwa kumikita sa mga Pinoy vendors sa pamamagitan ng pagbigkas lang ng pangalan ni Mayor Atienza. Sila ang nasa likod ng mafia na kinakatakutan ng mga Pinoy vendors sa Divisoria, he-he-he! May kalalagyan kayo sa darating na mga araw chairman Sy at Alejandrotong.
Ang mga pulis naman na nakikinabang sa night market ni Atienza ay sina Rey Perez ng Station 2 at Exor Perez ng Station 11. Ang dalawang Perez ang tinatawag na kolektor ng intelihensiya ng mga amo nila. Sa kampo naman ni Alejandrotong, sina Basmayor at Rasute ng Station 11 din ang ipinagmamalaki ng alipores niyang si Tessie Talangka na nakabase sa Ilaya. Sa pagkaalam ko, sobra ang galit ni Tessie Talangka sa akin, pero wala akong magagawa dahil ginagampanan ko lang ang aking trabaho. Kaya kay Tessie, hindi ako titigil hanggang sa mabuwag ko ang sindikato nyo ni Alejandrotong na milyon ang kinakaltas sa mga kawawang Pinoy vendors, he-he-he! Tiyak magiging mahaba ang bakasyon mo Mam Tessie.
Ito palang si Tessie ang nagbibigay ng pang-goodtime ni Alejandrotong gabi-gabi. At kaya pala abot-langit ang bantay nina Basmayor at Rasute doon sa tindahan ni Tessie Talangka sa kanto ng Soler at Claro M. Recto Sts. dahil tumataginting na P1,000 ang budget nila araw-araw. Kaya imbes na manghuli ng mga kriminal tulad ng snatcher, mandurukot at holdaper, eh nandoon lang sa tindahan ni Tessie itong sina Basmayor at Rasute. Ang buwenas na mga nilalang at ginagamit ang tsapa sa ibang pagkakitaan.
Kumusta na kaya sina Gerry Escultor at Jerry Tamondong?
May Karugtong.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended