^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pati inuming tubig delikado na rin

-
HINDI lamang ang hanging polluted dito sa Metro Manila ang delikado kundi pati na rin ang inuming tubig na kinukuha sa gripo. Saang lugar pa ligtas ang mamamayan? Bukod sa nakalalasong hangin at tubig, pati krimen ay laganap na rin. Hindi na malaman ng hilong-talilong na mamamayan kung saan pupunta. Habang nagbabangayan ang mga pinuno o halal ng taumbayan, ang mamamayan ay tuliro’t nahihintakutan.

Nakagigimbal na lima na ang namatay dahil sa pag-inom ng kontaminadong tubig sa Tondo, Manila. Unang nalathala ang water poisoining sa Pilipino Star NGAYON at kapatid na diyaryong PM (PangMasa) noong October 27. May 300 residente ng Velasquez, Tondo ang sinugod sa ospital dahil sa gastrointestinal infection. Noong Biyernes, lima na ang namatay at nakilalang sina Aquilino Manalo, 70; Lucia Respal, 56; Arnulfo Bayo, 40; Redemyl Manabat, 7; at Janine Masangkay, 10, pawang taga-Tondo. Ayon sa mga awtoridad, ang mga biktima ay namatay dahil sa dehydration at gastrointestinal infection.

Sa pagsisiyasat ng Manila Health and Sanitation Department lumabas na ang kontaminadong tubig na isinusuplay ng Maynilad Water Services Inc. (MWSI) ang dahilan. Ayon kay Sanitary Inspector Clemente San Gabriel, walang halong chlorine ang tubig na dumadaloy sa Tondo.

Kung hindi pa nag-utos si President Gloria Maca-pagal-Arroyo ay hindi agad kikilos ang mga kinauukulan. Ang Maynilad ay mabilis sa pagpapaliwanag. Agad din namang nagsagawa ng pagrarasyon ng tubig sa mga apektadong lugar. Pero may pagdududa pa rin sila kung ang tubig nga ang dahilan ng pagkakasakit ng mga residente. Katwiran ng Maynilad, bakit sa lugar lamang na iyon nagkaroon ng outbreak at wala naman sa ibang lugar na kanilang sinusuplayan. Ang Maynilad ang water consessionaire sa nabanggit na lugar. Sabi pa ng Maynilad, masyadong maraming illegal connections sa nasabing lugar at pinayuhan pa ang mga tao na maging disiplina. Panatilihin ang kalinisan sa kanilang lugar. Saka ipinag-utos ang inspection sa mga tubo ng gripo roon. Natuklasan ang 235 leaks sa mga tubo.

Maaaring ang karumihan ang dahilan ng outbreak. Pero malaki ang responsibilidad ng Maynilad sapagkat kaya pumasok ang dumi sa tubo ng gripo ay sapagkat sira na ang mga ito. Kinakalawang dahil sa kalumaan. Ang mga sirang tubo rin ang dahilan kung bakit maraming tubig na nasasayang. Ang natatapon ay binabayaran ng consumers na sa dakong huli ang iniinom pala nila ay kontaminado. Malaking hamon sa Maynilad ang problemang ito.

vuukle comment

ANG MAYNILAD

AQUILINO MANALO

ARNULFO BAYO

AYON

JANINE MASANGKAY

LUCIA RESPAL

LUGAR

MAYNILAD

TUBIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with